December 26, 2024

Home BALITA National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA
(MB file photo)

Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ikinakasang malawakang kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) bilang pagtutol sa mga inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang press conference nitong Biyernes, Disyembre 6, na inulat ng GMA News, sinabi ni MMDA chair Romando Artes na nakikipag-ugnayan na sila sa pulisya at mga lokal na pamahalaan upang ayusin ang trapiko sa araw kung kailan magra-rally ang INC.

“Well, may coordination naman tayo sa pulis, sa LGU. Ang ano po natin dyan, ima-manage po natin yung traffic, we will make sure na passable ang mga kalsada,” ani Artes.

“Magco-coordinate din po siguro doon sa organizer ng  rally para po magkaroon ng proper coordination at make sure na yung mga raliyista po ay hindi makakaabala sa traffic,” dagdag pa niya.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Samantala, habang sinusulat ito’y hindi pa raw nakatatanggap ang MMDA ng mga detalye hinggil sa mga lokasyon o rutang gagamitin ng INC sa kanilang magiging protesta.

Matatandaang sa programang “Sa Ganang Mamamayan” ng NET25 nitong Miyerkules, Disyembre 4, sinabi ng host na si Gen Subardiaga na nag-oorganisa na ang mga lokal sa buong INC upang magsagawa ng malalaking pagtitipon bilang pagsuporta raw sa kamakailang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag nang ituloy ang pagpapatalsik kay Duterte.

MAKI-BALITA: INC, naghahanda ng rally para tutulan impeachment complaints laban kay VP Sara

Sa kasalukuyan ay dalawang impeachment complaints na ang inihain sa Kamara laban sa bise presidente, kung saan isa sa mga tinalakay na grounds ang umano’y maling paggamit ng ₱650 million pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong siya pa lamang ang kalihim nito.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

MAKI-BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!