Nagpaabot ng pasasalamat ang aktres na si Candy Pangilinan sa mga may mabubuting puso na tumulong para mahanap ang kaniyang nawawalang anak na si Quentin.
Sa Facebook post kamakailan, inanunsiyo niya sa publiko na nawawala raw si Quentin habang sila ay nasa Greenhills.
“Nawawala si Quentin. Pa help pls. We are at Greenhills. Bigla siya tumakbo kasama driver,” saad ni Candy.
Pero ilang minuto raw makalipas na maibahagi ang naturang post, agad din nilang nakita si Quentin.
“I am incredibly grateful for everyone who whispered a prayer—salamat,” lahad ng aktres. “I would also like to extend my heartfelt gratitude to the security guards of Greenhills Shopping Mall. Their patience and assistance in helping me look for Quentin meant so much during this stressful time.”
“To all who reached out to help, thank you very much. You know who you are. To all who messaged me, thank you. Most of all, I thank God for the heaven-sent group of teachers who found Quentin,” aniya.
Dagdag pa ni Candy, “They recognized that he needed help, and their quick action made all the difference. Isang pagbubunyi muli sa lahat ng guro! Your sensitivity and "malasakit" are truly encompassing. Mabuhay kayo!”
Matatandaang si Quentin ay may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) at Autism.