Hindi mapagkakailang usad-pagong ang trapiko sa kasagsagan ng holiday season, idagdag pa ang siksikan at pahirapang pagsakay sa ilang primaryang public transportation sa Metro Manila kagaya ng bus at mga linya ng Light Rail Transit (LRT) 1 and 2 at Metro Rail Transit (MRT 3).
Kaya naman kamakailan lang ay naglabas na ang Department of Transportation (DOTr) ng maagang anunsyo hinggil magiging pagbabago ng oras at ruta ng ilang pampublikong transportasyon sa Metro Manila sa pagsapit ng kapaskuhan.
Ayon kay DOTr Sec. Jaime Bautista, magsisimula ang schedule adjustment sa LRT 1,2 at MRT 3 sa darating Disyembre 16, 2024.
LRT 1
Biyernes, Disyembre 20
First trip: 4:30 AM
Last trip:
Mula Dr. Santos station - 10:30 PM
Mula Fernando Poe Jr. (FPJ) station - 10:45 PM
Sabado, Disyembre 21
First trip: 5:00 AM
Last trip:
Mula Dr. Santos station - 10:00 PM
Mula FPJ station - 10:15 PM
Linggo, Disyembre 22
First trip: 5:00 AM
Last trip:
Mula Dr. Santos station - 10:00 PM
Mula FPJ station - 10:15 PM
Miyerkules, Disyembre 25
First trip: 5:00AM
Last trip:
Mula Dr. Santos station - 10:00 PM
Mula FPJ station - 10:15 PM
Disyembre 31 at Enero 1, 2025
First trip: 5:00 AM
Last trip:
Mula Dr. Santos station - 9:30 PM
Mula FPJ station - 9:45 PM
LRT 2
Disyembre 17 hanggang 23
First trip: 5:00 AM
Last trip:
Mula Antipolo station - 9:30 PM
Mula Recto station - 10:00 pm
Martes, Disyembre 24
First trip: 5:00 AM
Last trip:
Mula Antipolo station - 8:00 PM
Mula Recto station - 8:30 PM
Balik-normal operasyon na ang LRT 2 mula Disyembre 25 hanggang Enero 1, 2025.
MRT 3
Disyembre 16-23
First trip: 4:30 AM
Last trip:
EDSA Taft: 11:08PM
North Avenue: 10:34PM
Disyembre 24 at 31
First trip: 4:30AM
Last trip:
EDSA Taft: 7:45PM
North Avenue: 8:23PM
Disyembre 25 at Enero 1, 2025
First trip: 6:30 AM
Last trip:
EDSA Taft: 10:09PM
North Avenue: 9:30PM
Disyembre 26-27
First trip: 4:30 AM
Last trip:
EDSA Taft: 10:09PM
North Avenue: 9:30PM
Samantala, pinahintulutan naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na makadaan sa EDSA.
Ayon sa MMDA, mula Disyembre 20 hanggang 25, maaaring dumaan ang mga provincial buses sa EDSA pagsapit ng 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Magbabago naman ito pagtungtong ng Disyembre 26 hanggang Enero 2, 2025, kung saan 24 hours na maaaring gumamit ng EDSA ang lahat ng provincial buses.
Pinalawig din ng MMDA ang deployment duty ng mga personnel nito kung mula 10:00 ng gabi hanggang 12:00 ng madaling araw. Tinatayang aaabot umano sa 470,000-480,000 sasakyan ang inaasahang dadaan sa EDSA mula sa nasabing mga araw dahil sa holiday season.