December 26, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Vice Ganda, patuloy pa rin ang therapy para sa kaniyang mental health

Vice Ganda, patuloy pa rin ang therapy para sa kaniyang mental health
Photo courtesy: Vice Ganda (IG)

Matapang na inamin ni Vice Ganda ang tungkol sa kaniyang pagpapa-therapy para sa kaniyang mental health.

Sa isinagawang grand media day ng pelikulang “And the Breadwinner Is…,” nausisa si Vice ng showbiz reporter at host ng nasabing event na si MJ Felipe, na kung bilang breadwinner ay may pagkakataon ba raw na nagkaroon na siya ng mental health issue at paano siya naka-cope up mula rito.

Para kay Vice, naniniwala siya na talagang posibleng magkaroon ng mental health issue ang isang breadwinner.

"Siyempre, imposibleng hindi ka magkaroon ng mental health issues as a breadwinner... 'Yung pagpasan ng napakaraming problema nang mag-isa imposibleng hindi ka magkaroon ng mental health issues," panimula ni Vice.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

Ibinahagi ni Vice ang hirap ng pakiramdam ng pag-iisa. Aniya, mas nagiging mabigat ang mga pagsubok kapag walang nakikinig, na nagdudulot ng mental health issues.

“Yung pakiramdam ng nag-iisa kasi iyon ang pinakamahirap. Hindi naman mawawala ang pagsubok sa buhay araw-araw e diba? pero marami tayong pagsubok na nalalampasan natin nang madali kasi marami tayong katuwang. Pero 'pag nag-iisa ka at alam na alam mong wala kang maasahan, ang sakit no’n sa ulo. Ang hirap no’n matulog, ang hirap no’n mag-isip. Lalong-lalo na kung ang nararamdaman mo hindi mo masabi at wala kang mapagsabihan at walang gustong makinig sa gusto mong sabihin. 'Yon ang magco-cause sa'yo ng mental health issues," pagpapatuloy pa niya. 

Dahil dito, ibinahagi ng Unkabogable star na patuloy siyang sumasailalim sa therapy upang mapanatiling malusog ang kaniyang kaisipan at katawan. Aniya, ginagawa niya ito bilang paghahanda sa marami pa niyang pangarap at responsibilidad bilang breadwinner.

"How did I cope up? I underwent therapy. Actually not underwent, I am still undergoing therapy. Nag-therapy ako noon at hanggang ngayon nagti-therapy pa rin ako. At yun ang isang bagay na hindi ko gustong ihinto parang ginagawa kong regular yung pagti-therapy kasi gusto kong matulungan ang sarili ko kasi marami pa akong gustong gawin katulad ng ng maraming breadwinners, marami pa silang pangarap,” aniya.

“E marami pa akong pangarap, marami pang nakapasan sa'kin, marami pa akong gustong gawin. Gusto kong manatiling malusog hindi lang ang pangangatawan ko kundi [pati] ang kaisipan ko kaya nagti-therapy ako hanggang ngayon,” dagdag ni Vice

Bunyag ni Vice na hindi niya pa masyadong naibabahagi sa publiko ang tungkol sa kaniyang pinagdaraanang mental health issue. 

“This is something na hindi ko masyadong naishashare pa. Kaya nabilga ako, pero naisip ko parang ano namang nakakahiya kung nagti-therapy ako?...Tsaka gusto ko rin malaman niyo na yeah nagti-therapy ako, I am proud of it,” lahad niya.

“Ito yung isang bagay na hindi natin dapat pinagdadalawang-ispan gawin. Dahil going to therapy or seeking help sa isang psychiatrist, psychologist sa isang propesyunal para tulungan ka sa iyong mental health issues ay it should be just as normal as going to the dentist, going to the derma kung may problema ka sa akin ‘yung ganoon. Iyon para maharap ko yung aking mga pangangailangang mental, ako po ay nagti-therapy every now and then. Hanggang ngayon.” saad ni Vice

Ang “And the Breadwinner Is…” ay opisyal na entry sa 50th Metro Manila Film Festival ngayong taon. Sinasabing kaiba raw sa mga nagdaang MMFF movies na ginawa ng Unkabogable Box-office Superstar. 

Mariah Ang