December 26, 2024

Home BALITA National

Rep. Ortega, sang-ayon kay SP Chiz na ‘di dapat magkomento mga senador sa impeachment

Rep. Ortega, sang-ayon kay SP Chiz na ‘di dapat magkomento mga senador sa impeachment
MULA SA KALIWA: Rep. Paolo Ortega, Rep. Chiz Escudero at VP Sara Duterte (file photo)

Sang-ayon si Deputy Majority Leader at La Union 1st district Rep. Paolo Ortega sa naging pahayag ni  Senate President Chiz Escudero na hindi dapat magpahayag ng komento sa publiko ang mga senador hinggil sa mga inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang sa isang pahayag kamakailan ay sinabi ni Escudero na hindi dapat magkomento ang mga Senador hinggil sa isyu ng “impeachment” dahil sila raw sa Senado ang nakatalagang duminig sa mga kaso ng impeachment.

MAKI-BALITA: SP Chiz, nanawagan sa mga senador na ‘wag magkomento sa 'impeachment' vs VP Sara

Sa isa namang press conference nitong Huwebes, Disyembre 6, na iniulat ng Manila Bulletin, binanggit ni Ortega na tama ang sinabi ni Escudero dahil wala umanong “judge” ang nagsasabi ng kaniyang panig sa kaso.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“Kasi wala naman pong judge na sasabihin niya na pabor siya o hindi pabor sa ganitong kaso,” ani Ortega. “Kahit saan pong judiciary kayo pumunta, wala pong judge na pupunta sa social media o kaya man lang sa publication na sasabihin niya na hindi ako pabor sa ganito, hindi ako pabor sa impeachment—wala pong gumagawa noon.”

“Kaya nga nagbigay ng word of caution si Senate President. At tama naman po, ’yun naman po dapat ang gawin na, if ever it reaches the Senate,” saad pa niya.

Matatandaang noong Lunes, Disyembre 2, nang iendorso ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña sa Kamara ang unang impeachment complaint laban kay Duterte na inihain ng iba’t ibang civil society leaders ng bansa.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Bukod sa impeachment complaint na inendorso ni Cendaña, isa pang impeachment complaint ang isinumite sa Kamara noong Miyerkules, Disyembre 4, na inendorso naman ng Makabayan bloc.

MAKI-BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!

Kung sakaling makakuha ng hindi bababa sa “one-third” na boto ng lahat ng miyembro ng Kamara, iaakyat na ang reklamo sa Senado, na tanging may kapangyarihang magpasya sa lahat ng mga kaso ng impeachment.

Maaaring hatulan ng Senado ang opisyal sa pamamagitan ng “two-thirds” ng boto mula sa mga miyembro nito.