December 23, 2024

Home BALITA

Rep. Ortega may sagot kay VP Sara: 'Patawarin muna ang sarili'

Rep. Ortega may sagot kay VP Sara: 'Patawarin muna ang sarili'
Photo courtesy: Paolo Ortega/Facebook and MB File Photo

Nagbigay ng opinyon si Deputy Majority Leader La Union 1st district Rep. Paolo Ortega V hinggil sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi raw siya handang magpatawad sa darating na kapaskuhan. 

Sa isinagawang press briefing ni Rep. Ortega nitong Huwebes, Disyembre 5,  isinaad niya ang konsepto raw ng pagpapatawad. 

“Siya po siguro yun pero kung ako nasa lugar niya siguro, uhm broad po kasi ang pagpapatawad, so ang pinakauna ko pong gagawin, papatawarin ko muna yung sarili ko bago ako magpatawad ng ibang tao,” anang mambabatas. 

Dagdag pa ni Ortega, mas madali raw kasing makakapagpatawad ng ibang tao kung mauuna raw munang patawarin ang sarili. 

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Kasi pag napatawad mo na sarili mo sa mga pagkakasala mo o kung ano man nagawa mong masama, yan lang ang panahon na makakapagpatawad ka ng ibang tao,” saad ni Ortega. 

Kaya naman ang kaniyang payo ay mas mainam na lang daw na unahin munang patawarin ang sarili para makapagbigay umano ng kapatawaran sa ibang tao ngayong darating na kapaskuhan. 

“So unahin muna ang sarili para at least makapatawad tayo ng ibang tao. Merry Christmas,” giit ni Ortega. 

Matatandaang nanuna nang sabihin ni VP Sara sa thanksgiving activity ng Office of the Vice President (OVP) noong Martes, Disyembre 3, na bagama’t ang pasko raw ay panahon ng pagpapatawad, ay mariing niyang iginiit na ito raw ay nakadepende sa tao at para sa kaniya, ay hindi raw siya magpapatawad.

“Ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad, pagmamahal, at pagbibigay. Forgiving, giving, and loving. Lagi ko pong sinasabi na depende 'yan sa tao pero dahil ako ay vice president, kailangan ko sabihin na yan ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero kung ako, hindi ako magpapatawad," anang bise presidente.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, sinabing ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad: ‘Pero ‘di ako magpapatawad!’