December 26, 2024

Home BALITA National

'Pinas, dapat nang bumalik sa hurisdiksyon ng ICC – Rep. Luistro

'Pinas, dapat nang bumalik sa hurisdiksyon ng ICC – Rep. Luistro
(file photo)

Iginiit ni Batangas Rep. Gerville Luistro na dapat nang bumalik ang Pilipinas sa ilalim ng hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) dahil makatutulong daw ito sa justice system ng bansa.

Base sa ulat ng News 5, sinabi ni Luistro nitong Biyernes, Disyembre 6, na mahalaga ang ICC sa bansa upang palakasin muli ang legal na balangkas nito sa pagpapanagot sa mga sangkot sa matitinding krimen.

“We are a nation of laws, not a nation of men. Rejoining the ICC would reaffirm the country's commitment to international norms and strengthen its legal framework in holding perpetrators of grave crimes accountable–that regardless of their status, economic standing, or power, no one is above the law,” ani Luistro.

Samantala, iginiit din ng mambabatas na nagkaroon umano ng maling mensahe ang naging pagkalas ng bansa sa Rome Statute noong 2019 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“It sent the wrong message to the international community that we were unwilling to uphold the protection and promotion of human rights, which should be inherent to every individual, and displayed the fragility of our democratic institutions,” saad ni Luistro.

Kabilang si Luistro sa House quad committee na nag-iimbestiga sa umano’y extrajudicial killings ng war on drugs ng administrasyong Duterte, na iniimbestigahan din ng ICC.

Matatandaang noong Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Atty. Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno

Samantala, kamakailan lamang ay ipinahayag ng Malacañang na wala silang planong ibalik ang Pilipinas sa ICC.

MAKI-BALITA: ‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang