December 26, 2024

Home BALITA National

Patutsada ni Rep. Cendaña: VP Sara, regaluhan sana ni Santa sa Pasko ng ‘konsensya’

Patutsada ni Rep. Cendaña: VP Sara, regaluhan sana ni Santa sa Pasko ng ‘konsensya’
Rep. Perci Cendaña at Vice President Sara Duterte (file photo)

Pinatutsadahan ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña si Vice President Sara Duterte matapos nitong sabihing hindi siya magpapatawad sa Pasko.

Matatandaang sa isinagawa thanksgiving activity ng Office of the Vice President (OVP) noong Martes, Disyembre 3, sinabi ni Duterte na bilang bise presidente ay kailangan daw niyang sabihing “ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad, pagmamahal, at pagbibigay.”

“Pero kung ako, hindi ako magpapatawad. Iba-iba ang tao, ‘di ba? Mayroon sa atin mabilis magpatawad, mayroong matagal at mayroon sa atin na dinadapa sa hukay ang galit,” ani Duterte.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabing ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad: ‘Pero ‘di ako magpapatawad!’

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Sinagot naman ni Cendaña ang naturang pahayag ng bise presidente sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 5, at iginiit na dapat umanong si Duterte ang humingi ng tawad sa mga Pilipino.

“Ikaw ang nang-abuso sa kapangyarihan at nagnakaw sa kaban ng bayan, ikaw dapat ang humingi ng tawad sa taumbayan,” ani Cendaña.

“Sana regaluhan ka ng konsensya ni Santa Claus ngayong Pasko,” saad pa niya.

Si Cendaña ang nag-endorso ng unang impleachment complaints laban kay Duterte na inihain ng iba’t ibang civil society leaders ng bansa noong Lunes, Disyembre 2.

Nakalahad sa naturang reklamo ang apat umanong major grounds para sa pagpapatalsik kay Duterte: ang “culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes.”

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Bukod sa impeachment complaint na inendorso ni Cendaña, isa pang impeachment complaint ang isinumite sa Kamara noong Miyerkules, Disyembre 4, na inendorso naman ng Makabayan bloc.

MAKI-BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!