Kinumpirma ng isang opisyal sa Indonesia nitong Biyernes, Disyembre 6, na makababalik na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso bago mag-Pasko.
Sa isang panayam na inulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Indonesian Minister for Human Rights and Corrections Yusril Ihza Mahendra na ibinaba ni Indonesian President Prabowo Subianto ang pag-transfer kay Veloso sa Pilipinas ngayong Disyembre.
"I met him (President Prabowo) two days ago during the cabinet session in the Palace, and Mr. Prabowo asked me 'How about Mary Jane?' He remembered the name," ani Mahendra.
"He said to me that 'Maybe you can transfer to the Philippines before Christmas. It's a good news for the Filipino people," dagdag niya.
Sinabi rin ng Indonesian official na hindi raw silang humingi ng kahit anong kapalit sa pag-transfer ni Veloso sa Pilipinas.
"We voluntarily fulfill that petition from the Philippine government,” saad ni Mahendra.
Nito ring Biyernes nang opisyal nang pumirma ang Pilipinas sa kasunduan kasama ang Indonesia upang mailipat sa kulungan sa bansa si Veloso.
MAKI-BALITA: PH, Indonesia, lumagda na ng kasunduan hinggil sa pag-transfer kay Mary Jane Veloso
Taong 2010 nang arestuhin si Veloso, na ngayon ay 39-ayos, sa Indonesia at sentensiyahan ng parusang kamatayan noong 2015 dahil umano sa pagtatangkang magdala ng 2.6 kilo ng heroin sa Indonesia.
Sa kaniyang paglilitis, iginiit ni Veloso na nalinlang lamang daw siya at hindi niya alam na may droga sa loob ng maletang dala-dala niya patungong Indonesia, na mula sa kaniyang recruiter.