January 23, 2025

Home BALITA

Sen. Zubiri, 'di pabor sa impeachment kay VP Sara: 'Sana walang gulo'

Sen. Zubiri, 'di pabor sa impeachment kay VP Sara: 'Sana walang gulo'
Photo courtesy: Bongbong Marcos,Migz Zubri/Facebook, MB File Photo

Naglabas ng saloobin si Sen. Miguel “Migz” Zubiri patungkol sa pag-usad ng pagsusumite ng impeachment cases laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng media sa senador noong Miyerkules, Disyembre 4, 2024, sinabi niya na hindi raw siya pabor sa pagkakaroon ng impeachment laban sa Pangalawang Pangulo. 

“Like many of my colleagues, we do not want to see impeachment proceedings in the Senate because obviously it’s going to be very divisive,” anang senador.

Umaasa rin daw si Sen. Zubiri na hindi na raw magkagulo lalo’t papalapit na ang eleksyon at nabanggit din niyang sana’y “ceasefire” na raw muna ang tensyon sa national government. 

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

“But of course, personally, if you ask me for my personal opinion, sana walang gulo. Kasi ayaw po natin ng gulo at this point in time. Gusto nga po sana muna namin ceasefire muna,” saad ni Zubiri.

Muli ring nilinaw ni Zubiri na wala raw siyang pinapanigan sa pagitan ng girian ng kampo ni VP Sara at administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil kung sakali raw kasing umusad nang tuluyan ang impeachment cases laban sa Bise Presidente ay nakahanda raw silang maging patas. 

“I would like to be very clear, at this point in time we cannot take political sides, because if there is a valid and verified impeachment complaint that will go to the Senate—we, as Jurors, have to be very impartial,” ani Zubiri. 

“So I’m not sure about the timing, but I don’t want to say that I’m for or against anyone. We want to remain neutral, impartial.”

May dalawang impeachment complaints laban sa Pangalawang Pangulo na kapuwa nanindigan na oras na raw upang masingil at mapanagot na si VP Sara sa umano’y anomalya nito sa kapangyarihan at sa taumbayan.

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment complaint vs VP Sara, ihahain iba’t ibang grupo – Akbayan

KAUGNAY NA BALITA: Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc