December 23, 2024

Home BALITA

SP Chiz, may paalala sa mga senador tungkol sa isyu ng impeachment

SP Chiz, may paalala sa mga senador tungkol sa isyu ng impeachment
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo, Senate of the Philippines/Facebook

May panawagan si Senate President Chiz Escudero sa kaniyang kapuwa mga senador hinggil umano sa isyu at estado ng impeachment cases laban kay Vice President Sara Duterte. 

Sa pamamagitan ng Facebook post noong Martes, Disyembre 3, 2024 inihayag ni Escudero ang kaniyang mensahe kaugnay ng naturang impeachment complaints sa Pangalawang Pangulo. 

“The filing and endorsement of an impeachment complaint in the House of Representatives marks the beginning of a process enshrined in our Constitution to ensure accountability among our highest public officials,” ani Escudero,

Kasunod nito, mariing niyang ipinanawagan sa mga senador na iwasan daw ang pagkokomento sa nasabing isyung kinahaharap ni VP Sara.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“In light of this development, I reiterate my call to my colleagues in the Senate to refrain from making any public comments or statements regarding the allegations in the complaint’s articles of impeachment,” anang Senate President. 

Saad ni SP Chiz, anumang komentong manggagaling daw kasi sa mga senador ay maaaring kumwestyon sa integridad ng Senado.

“Should the Senate be called upon to act as an impeachment court, any perception of bias or pre-judgment would undermine not only the integrity of the impeachment trial but also the public’s trust in the Senate as an institution.”

Iginiit din niya ang dapat daw trabaho ng mga senador at siyang obligasyon nila sa taumbayan.

“We have a duty to enact laws that respond to the needs of our people, address urgent national concerns, and strengthen our republic.”

Muli ring nilinaw ni Escudero na bagama’t may mga sariling political groups ang bawat senador, hindi raw dapat ito hadlang upang magkaisa ang senado sa paglilingkod nito sa taumbayan.

“We may have different political affiliations and views but, as public servants, we must preserve our unity of purpose as this is essential to sustain the gains we have achieved and to ensure that no Filipino is left behind,” saad ni Escudero. 

Matatandaang kamakailan lang ay tahasang nagbigay ng reaksiyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa nasabing impeachment cases laban kay VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Kasalukuyang may dalawang impeachment cases na ang naihain laban sa Bise Presidente kaugnay umano ng mga anomalya niya sa paggamit ng pondo ng taumbayan at mga tirada niya laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

KAUGNAY NA BALITA: Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc