Naglabas ng kaniyang saloobin si Sen. JV Ejercito hinggil sa isyu ng impeachment cases laban kay Vice President Sara Duterte gayundin sa hidwaan sa pagitan ng pamilya Duterte at administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa pamamagitan ng X post nitong Miyerkules, Disyembre 4, 2024, tahasang sinabi ng senador na wala raw siyang tinatanaw na utang na loob sa UniTeam tandem at inihayag niya lang daw ang kaniyang saloobin sa isyu ng nasabing tambalan noong 2022.
“I ran as an independent, wala akong utang na loob lalo sa Uniteam. In fact I was booted out of the line up when they joined forces. My debt of gratitude belongs to the Filipino people and no one else,” ani Ejercito.
Dagdag pa niya, ikinalulungkot niya lang daw kasi ang nangyayaring gulo sa national government dahil maaari daw itong makaapekto sa ekonomiya ng bansa, higiit lalo sa tiwala ng foreign investors kung kaya’t marapat lang daw na magkaroon na raw ito ng mabilisang atensyon.
“I am just sad with all the bickering happening that it is affecting the economy, the investor’s confidence and the major issues that need our immediate attention,” anang senador.
Binanggit din ng senador ang ilan umano sa mga sektor na maaari daw direktang maapektuhan mula sa nasabing hidwaan sa pagitan nina VP Sara at PBBM.
“Been pushing and focusing on massive infra development, universal healthcare, housing, AFP Modernization, etc… all of these will be severely affected,” saad ni Sen. Ejercito.
Umaasa rin daw ang senador na kung sakali man umanong maitulak ang impeachment, ay hindi ito magtagal upang matagunan pa raw ang mas kailangan ng bansa.
“If indeed impeachment pushes through, hopefully it doesn't take long so we can go back to work and focus on our problems,” giit ngh senador.
Nilinaw rin ni Sen. Ejercito na hindi rin siya pabor sa anumang kudeta na maaaring mangyari at muling iginiit na mas may importante pa raw na dapat pagtuunan ng pansin para sa kapakanan ng bansa.
“All the more I am not in favor of a coup as it will cause political instability in the long run. We need to focus and get down to business as we need a lot of catching up to do,” saad ng senador.