January 06, 2025

Home BALITA

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?
Photo courtesy: Pexels, screenshot from House of Representatives/YouTube

Na-“Mary Grace Piattos” din kaya?

Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na wala raw sa kanilang record ang isang taong nagngangalang “Kokoy Villamin,” taliwas sa iginigiit umano ng ilang tauhan ng Office of the Vice President (OVP).

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo kay PSA Assistant National Statistician Marizza Grande nitong Miyerkules ng umaga, Disyembre 4, 2024, wala raw silang nahanap na Kokoy Villamin at negatibo raw itong matagpuan sa kanilang verification system.

“Tininginan po namin, naghintay po kami ng request dito. But wala po kaming nakitang record din pertaining to that person, negative po yun sa verification namin,” ani Grande.

National

300 Afghan nationals dumating sa 'Pinas; pansamantalang mananatili sa bansa habang hinihintay US visa

Matatandaang lumitaw ang pangalang Kokoy Villamin sa ilang mga resibo umano ng OVP mula 2022 at 2023 matapos itong ma-kuwestyon ng Kamara sa kanilang mga naging pagdinig kaugnay pa rin ng kuwestyonableng paggamit daw confidential funds ng opisina ni Vice President Sara Duterte. 

Samantala, nitong Martes, Disyembre 3 naman nang linawin nang ikumpirma ng PSA na wala rin umanong kahit anong records ang makakapagtunay sa “Mary Grace Piattos,” ang taong sinasabing pirmado rin daw sa ilang transaksyon ng confidential funds ng OVP. 

Base sa sulat na ipinadala ni National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis Mapa kay House panel chairperson Rep. Joel Chua, walang certificate of live birth (COLB), certificate of marriage (COM), at certificate of death (COD) ang isang Mary Grace Piattos sa kanilang database.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

Una nang nanawagan ang ilang mambabatas na nakahanda raw silang magbigay ng ₱1M sa kung sino man daw ang makapagtuturo sa kanila kung sino at nasaan umano ang isang Mary Grace Piattos. 

KAUGNAY NA BALITA: Naghahanap na ba ang lahat? Pagkatao ni Mary Grace Piattos, palaisipan pa rin!