December 04, 2024

Home BALITA National

Rep. Roman, dismayado sa pahayag ni VP Sara: ‘We should not equate being gay with being weak!’

Rep. Roman, dismayado sa pahayag ni VP Sara: ‘We should not equate being gay with being weak!’
MULA SA KALIWA: Rep. Geraldine Roman at VP Sara Duterte (file photo; Facebook)

Dismayado si Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa isang pulis na sinabihang "huwag kayong bakla."

Matatandaang nag-viral kamakailan ang isang video kung saan sinabihan ni Duterte ang isang pulis ng “Huwag kayong bakla.” Nangyari ito nang i-transfer ng pulisya ang chief-of-staff ng Office of the Vice President (OVP) na si Atty. Zuleika Lopez mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) patungong St. Luke’s Medical Center. 

Matatandaang cinite in contempt ng Kamara si Lopez kamakailan sa gitna ng kanilang pag-imbestiga sa umano’y maling paggamit ng ₱612.5-million confidential funds sa ilalim ng pamamahala ni Duterte. 

Kaugnay naman ng nasabing pahayag ng bise presidente sa pulis, binigyang-diin ni Roman sa isang panayam nitong Lunes, Disyembre 2, na hindi dapat ginagawang basehan ang pagiging bakla sa kahinaan.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

"We should not equate being gay or being trans or being lesbian with being weak," ani Roman.

Sinabi rin ng transgender solon na nasurpresa raw siya sa nasabing pahayag ni Duterte lalo’t idineklara nito ang kaniyang suporta sa komunidad ng LGBTQIA+.

"I think it’s quite surprising and kind of disappointing the remarks knowing that the Vice President is a declared supporter of the LGBT community," saad ni Roman. 

"I did not expect that kind of remark from her," dagdag pa niya.

Si Roman ang chairperson ng House Committee on Women and General Equality at ang pinakaunang transgender na nagkaroon ng puwesto sa Philippine Congress.

Noong 2022 nang ideklara ni Roman ang kaniyang pagiging supporter ni Duterte dahil sa pagmamahal raw nito sa LGBTQIA+ community. Sa naturang taon din sinabi ni Duterte na bahagi siya ng nasabing komunidad.

MAKI-BALITA: Rep. Roman kung bakit solid Sara Duterte supporter: 'Mahal na mahal niya ang mga LGBT'