May 18, 2025

Home SHOWBIZ

Netizens binalikan ang ABS-CBN CSID 2009, bakit kaya?

Netizens binalikan ang ABS-CBN CSID 2009, bakit kaya?
Photo courtesy: Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YouTube channel)

Agad na nag-trending ang taon-taong inaabangang Christmas Station ID ng ABS-CBN na inilabas na nitong LUnes, Disyembre 2, na may pamagat na "Our Stories Shine This Christmas" tampok ang Kapamilya stars.

Kung bibisitahin ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel kung saan naka-upload ang CSID 2024, makikitang nasa 1,202,868 views and counting na ito, as of December 3, 2024, 2:21 ng hapon, habang isinusulat ang artikulong ito.

Batay sa caption, ang nasa likod ng paglikha ng station ID ay ang ABS-CBN Creative Communication Management Division, na pinamumunuan nina Robert Labayen, Johnny De Los Santos, at Jay Dustin Santiago, kasama si ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes.

"Lyrics were written by Robert Labayen, Des Parawan, Lawrence Arvin Sibug, Love de Leon, Revbrain Martin with music and overall production by Jonathan Manalo. Musical arrangement by Tommy Katigbak and Theo Martel with vocal arrangement by Jonathan Manalo. Mixed and mastered by Dante Tañedo with vocal supervision and additional background vocals by Trisha Denise," mababasa pa.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Siyempre, tampok sa CSID ang iba't ibang kuwento ng mga kababayang Pilipino, na pinaningning ng Kapamilya stars at superstars, gaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Coco Martin, Regine Velasquez-Alcasid, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Daniel Padilla, James Reid, Enrique Gil, Jodi Sta. Maria, Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, at marami pang iba, sa news and current affairs man o sa entertainment section.

May highlight din ang nation's girl group na BINI na talaga namang umariba ang career ngayong 2024.

Nag-trending naman sa X ang pangalan ni Angel Locsin na halos magtatatlong taon nang nasa showbiz hiatus, sa pagpasok ng 2025.

Umani naman ng reaksiyon at komento ang nabanggit na CSID. Bumaha ng positibong komento lalo't kilala ang ABS-CBN sa paggawa ng mga de-kalibreng Christmas Station IDs na ang karamihan ay naging parte na ng pagdiriwang ng Pasko at kinakanta kapag caroling o sa Christmas events.

" mga umiiyak, sobrang nakakatouch the best talaga ang Abs-cbn may kurot talaga sa puso"

"The best talaga ang ABS-CBN pagdating sa paggawa ng station IDs, mula noon hanggang ngayon..."

"Ang Ganda talaga Ng kanta ninyo na tagos SA puso ang minsahi..god bless you all.isa itong patunay na BUONG BUO ang ABS-CBN"

"walang tatalo sa Station ID ng Kapamilya. Mula Noon Hanggang Ngayon. DaBest parin ang ABS-CBN

nakakatayo balahibo. Bawat Kwento nakakataba ng puso. More power. More Blessings to AbsCbn...."

"bawat like sa comment ko, babalik ako dito para panoorin tong video . Merry Christmas Kapamilyas!"

"It’s time to bring back ABS-CBN. As an OFW, I dream that one day ABS-CBN will be reconsidered and regain its place because I’ve seen its true value and genuine concern for others, especially in helping and reaching out to every Filipino. It has made significant contributions to the lives of the people and the country, supported communities, showcased the beauty of the Philippines, and enriched the lives of Filipinos. With God’s will, everything is possible."

Sa kabilang banda, may mga nagsasabi namang walang epekto sa kanila ang CSID, na bagama't maganda ang kuwentong ipinakikita nito at naitampok naman lahat ng mga artista, ay wala raw dating ang tono nito, hindi kagaya sa mga nagdaang CSID na nakakabisado agad.

Kaya naman, binalikan ng mga netizen ang CSID noong 2009 na "Star ng Pasko" na para sa marami ay the best sa lahat.

"CAME HERE AFTER WATCHING THE 2024 ABS CHRISTMAS STATION ID. Wala pa ring makapantay dito "

"Attendance check, sinong nandito after mapanood ang ABS CBN station ID 2024 ‍?"

"Who’s here after watching the latest ABS-CBN Christmas Station ID 2024? This never gets old every time you play this song every Christmas season huhu so nostalgic "

"Mas maganda pa rin ito, parang walang dating 'yong latest, sa akin lang ba?"

"Not a coincidence. I just watched the 2024 ABS-CBN CSID then found myself looking for this CSID nostalgic. And reading new comments na pare-parehas tayong bumalik after mapanood yung latest grabe."

"Today was released 2024 station id, but this station id is not never get old! The best christmas station id star ng pasko!!!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang ABS-CBN tungkol dito.