February 02, 2025

Home BALITA

Minor phreatomagmatic eruption, naganap sa Bulkang Taal

Minor phreatomagmatic eruption, naganap sa Bulkang Taal
(Phivolcs)

Naganap ang isang minor phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal kaninang 5:58 ng umaga, Martes, Disyembre 3. 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang steam-driven o phreatic na pagputok sa Bulkang Taal kaninang umaga kung saan nagresulta ito ng 2800-meter grayish plume.

Dahil sa pagputok na ito, inirerekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng Talisay, Batangas sa mga residente ang pag-iingat at pagsunod sa abiso ng Lokal na Pamahalaan.

Samantala, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. 

Politics

SP Chiz sa 'di pag-usad ng impeachment vs VP Sara: 'The House is allied with the president'