December 05, 2024

Home SHOWBIZ

Kilalanin ang pumanaw na Korean actor na si Park Min Jae

Kilalanin ang pumanaw na Korean actor na si Park Min Jae

Pumanaw ang South Korean actor na si Park Min Jae sa edad na 32 matapos umano siyang atakihin sa puso habang nasa isang biyahe sa China noong Nobyembre 29.

Kinumpirma ng kapatid ni Park at ng kaniyang talent agency na Big Title ang malungkot na balita sa pamamagitan ng mga pahayag na inilabas sa Instagram noong Disyembre 2. Ipinahayag nito ang kaniyang matinding pagdadalamhati.

"My beloved brother has gone to rest. I hope as many people as possible can remember my brother. Please understand that I cannot contact everyone individually," saad ng kapatid ni Park sa wikang Koreano

Nagbigay din ng pahayag ang Big Title upang magbigay-pugay sa aktor.

Tsika at Intriga

'Pinayanig mo ang Pilipinas!' Maris, naunahan daw mag-launch ni Jam?

"A beautiful actor who loved acting and always did what was best for him," ani ng agency.

Dagdag pa nila, "Although I can’t see his acting anymore, I will remember him with pride as he was a Big Title actor. May the deceased rest in peace."

Nakilala si Park Min-jae sa mga pinagbidahan niyang Korean dramas tulad ng “Tomorrow”, “Little Women”, “Call It Love”, at “Korea-Khitan War”.

Isa sa mga huli niyang proyekto ay ang 2023 drama na Korea-Khitan War, kung saan lalong napansin ang kaniyang talento sa pag-arte sa ilang mga Korean drama series.

Idinaos ang burol ni Park sa Ewha Womans University Seoul Hospital Funeral Hall, at nakatakda ang kaniyang libing sa Disyembre 4.

Mariah Ang