January 09, 2025

Home BALITA National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc
Vice President Sara Duterte (Ellson Quismorio/ MANILA BULLETIN)

Nakatakdang iendorso ng Makabayan Bloc ang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ngayong linggo.

Kinumpirma ito ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa isang press conference nitong Martes, Disyembre 3.

Ayon kay Manuel, may mga nakausap na raw silang mga people’s organization na nagnanais na maghain ng complaint upang mapatalsik si Duterte.

Bagama’t malaki ang tsansang ihahain ngayong linggo ang reklamo, sinabi ng Kabataan solon na hindi pa nila maibigay ang eksaktong araw dahil may mga grupo pa raw na nagnanais humabol upang maging bahagi nito.

National

Muntinlupa RTC, pinatitigil si Darryl Yap na ipalabas ‘The Rapists of Pepsi Paloma’

“Tentatively ay tinatanaw na within this week ay mai-file [ang impeachment complaint],” ani Manuel. “Hindi talaga matatakan kung kailan kasi meron po tayong mga leaders ng iba’t ibang organizations na naghahabol na gusto rin talaga nila na maging bahagi sila ng complaints.”

Kaugnay nito, iginiit ni Manuel na pursigido na umano ang iba’t ibang mga sektor na maging bahagi sa formal proceedings ng impeachment laban sa bise presidente.

“Gusto naming ma-entertain talaga sila, whether mga youth leaders ‘yan, urban poor, religious sector, at iba pa, para mapasama, para kapag na-file natin ay malapad po yung representation ng iba’t ibang mga grupo and sectors na kasama doon sa maipa-file na impeachment complaint na ieendorse ng Makabayan Coalition,” saad ng Kabataan solon.

Matatandaang nitong Lunes, Disyembre 2, nang magtungo ang iba’t ibang civil society leaders sa House of Representatives upang ihain ang kanilang impeachment complaint laban kay Duterte, na inendorso ni Akbayan Rep. Perci Cendaña.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Naglabas naman ng pahayag ang Malacañang nito ring Martes at iginiit na wala umano silang kinalaman sa nasabing paghahain ng impeachment complaint laban sa bise presidente.

MAKI-BALITA: Malacañang, walang kinalaman sa impeachment complaint laban kay VP Sara – Bersamin