December 02, 2024

Home BALITA National

‘Very concerning!’ PBBM, ikinabahala namataang Russian attack submarine sa WPS

‘Very concerning!’ PBBM, ikinabahala namataang Russian attack submarine sa WPS
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ikinabahala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naiulat na Russian attack submarine na namataan sa West Philippine Sea (WPS).

Nitong Lunes, Disyembre 2, nang kumpirmahin ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela ang impormasyong isang Russian attack submarine ang nakita sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kaugnay nito, sa panayam ng mga mamamahayag sa Marikina nito ring Lunes, tinawag ni Marcos ang naturang presensya ng Russian attack submarine sa WPS na “very concerning.”

“That’s very concerning. Any intrusion in the West Philippine Sea or of our EEZ or our baselines is very worrisome,” anang pangulo. 

National

Rep. Zamora sa pahayag ni VP Sara na kaniya na ang presidency noong 2022: ‘Edi sana tumakbo siya!’

“We’ll let the military discuss it with me,” saad pa niya.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi naman ng Philippine Navy na nagpadala na sila ng mga asset upang i-monitor ang galaw ng nasabing Russian submarine.

Samantala, hindi pa inihayag ng navy ang nature ng presensya ng submarine sa katubigan ng bansa.