January 22, 2025

Home BALITA

PNP, wala pa raw 'credible information' sa banta umano sa buhay ni VP Sara

PNP, wala pa raw 'credible information' <b>sa banta umano sa buhay ni VP Sara</b>
Photo courtesy:PNP, Inday Sara Duterte/Facebook

Nilinaw ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Brig. Gen. Jean Fajardo na wala pa raw silang hawak na matibay na impormasyon sa iginigiit ni Vice President Sara Duterte na umano’y banta raw sa kaniyang buhay.

Sa panayam ng Radyo 630 kay Fajardo nitong Lunes, Disyembre 2, 2024, inihayag niyang wala pa silang hawak na patunay na may banta raw sa buhay ng Pangalawang Pangulo. 

“Sa ngayon po, ang PNP, walang information as to the credible threat against the Vice President,” ani Fajardo. 

Bagama’t wala pa raw silang hawak na magtuturo sa sinasabing banta sa seguridad at buhay ng Pangalawang Pangulo, tahasang sinabi naman ni Fajardo na nakahanda raw ang kanilang ahensya sa anuman daw porma ng bantang maaaring mangyari kay VP Sara. “But just the same. Since siya po ay ating Bise Presidente, tinatanggap po natin na ang threat ay inherent sa kanyang position, and we are ready to provide security to her and any other government officials if requested,” anang PNP spokesperson.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang ginulantang ni VP Sara ang taumbayan nang ihayag niya kamakailan na may kinausap na raw siyang maaaring tumumba kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez, oras na may mangyari umanong masama sa kaniyang buhay. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Kaugnay na naturang banta rin daw sa kaniyang seguridad, nais din umano itong imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang malaman daw nila kung saan ito at kung bakit ito naungkat ng Pangalawang Pangulo na siyang naging mitsa ng kaniyang death threat sa kampo nina PBBM. 

Nakatakda ang susunod na imbitasyon ni VP Sara sa NBI sa darating na Disyembre 11, matapos niyang lumiban noong Nobyembre 29, dahil daw sa “late cancellation” ng Kamara ng sabay na hearing nito. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara hindi sumipot sa NBI; sinisi 'late cancellation' ng hearing ng Kamara?