December 02, 2024

Home FEATURES Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'
Photo courtesy: Screenshot from OverRain (TikTok) via Zyra Orsua (FB)/Freepik

"Hindi na marami ang tubig ng instant noodles..."

Tila kumurot sa puso at naka-relate ang maraming netizens sa isang "hugot" na kumakalat sa social media, patungkol sa "Hindi na marami ang tubig ng instant noodles," na ang ibig sabihin ay nakaahon-ahon na sa dating pagtitipid o hirap ng buhay.

Makikita ang nabanggit na hugot post sa TikTok account na "OverRain."

Maraming tao kasi, inuulam ang instant noodles kaya sinasabawan ito nang marami para mapagkasya sa lahat ng miyembro ng pamilya.

Trending

Kinaaaliwang 'Suspect Challenge' sa socmed, paano nagsimula?

Isang netizen naman na nagngangalang "Zyra Orsua" ang nagbahagi ng ilang screenshots kung ano naman ang hugot nila na may kaugnayan sa pagkaalis mula sa tanikala ng kahirapan, at kahit paano, nagagawa na ang mga bagay na makapagpapaginhawa sa kanilang buhay, dulot na rin ng kanilang kasipagan, diskarte, talino, talento, kasanayan, pagsisikap, o determinasyon.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon, komento, at hugot ng netizens:

"Hindi na asin ang pinang-sesipilyo."

"Hindi na inuulam ang mantika at toyo bagkus hinahalo na sa adobong baboy o manok."

"Wala nang alambre ang tsinelas... marami na rin, at ang iba hindi na nagagamit."

"Hindi na napagsasarhan ng pintuan kapag makikinood ng TV."

"Cravings na lang ang sardinas."

"nakakapag-travel na yung mga hindi nakakasama sa field trip."

"hindi na magsisinungaling sina mama at papa na busog na sila"

"Ou.. nakaka pag grocery na..hindi lang pag new year nakkatikim ng ubas at peras. Lord salamat po!!"

"Nakakabili na ng mga sariling damit at hindi na umaasa sa pinaglumaan ng mga kamag-anak."

Ikaw, anong hugot mo sa life?