December 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ken Chan, Yexel Sebastian hindi raw makabalik sa Pinas

Ken Chan, Yexel Sebastian hindi raw makabalik sa Pinas
Photo courtesy: Ken Chan (FB)/Yexel Sebastian (FB)

Natalakay ng showbiz insider-TV host na si Ogie Diaz ang tungkol sa umano'y warrant of arrest na isinilbi rin sa mga personalidad na sina Rufa Mae Quinto at dating senador Manny Pacquiao, kaugnay pa rin ng pagiging endorser/brand ambassador ng Dermacare Beyond Skincare Solutions.

Ang Dermacare ay kompanyang inirereklamo ng maraming investors na pagmamay-ari ni Chanda Atienza, na siyang dahilan naman umano kung bakit dinakip ng Southern Police District ang dating aktres at endorser nitong si Neri Naig Miranda.

Ayon kay Ogie, sinabi raw sa kaniya ng source niya na tanging si Rufa Mae lang daw ang naisyuhan ng warrant of arrest at hindi na natuloy kay Manny Pacquiao. Pero para kay Ogie mismo, naniniwala siyang hindi magagawa ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae) ang sumuong sa isang "scam."

Dahil dito, nabanggit din ng co-hosts ni Ogie ang tungkol naman sa mga personalidad na sina Yexel Sebastian at Ken Chan na nahaharap din sa mga kaso dahil sa reklamo ng investors sa negosyo, na parehong nasa ibang bansa ngayon.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, hindi raw nag-delete ng convo kaya nahuli sey ni Xian Gaza

Hindi lang daw sure si Ogie kung kahit na nasa ibang bansa si Ken ay inaasikaso nito ang mga kinahaharap na kaso sa pamamagitan ng kaniyang mga abogado, lalo't kamakailan lamang ay naglabas siya ng opisyal na pahayag para sagutin ang mga kumakalat na espekulasyon ng netizens laban sa kaniya. May nakapagsabi rin daw kay Ogie na sa oras na bumalik sa Pilipinas ang aktor ay posible itong hulihin ng mga awtoridad. Ganoon din umano ang posibleng mangyari kay Yexel Sebastian, na nahaharap umano sa reklamo patungkol sa investment na aabot sa ₱200M. Kasalukuyan daw nasa bansang si Japan ang nabanggit na personalidad.

Matatandaang sa isang post ay nilinaw ni Yexel na wala siyang nilokong mga tao, at kaya sila nakalabas ng ibang bansa kasama ang misis niya, ay dahil wala naman daw isinampang kaso laban sa kaniya, o kaya ay look-out order para sa kaniya.

Nagpaalala naman si Ogie sa lahat na maging maingat sa pagpasok sa mga investment scheme lalo't talamak ngayon ang mga investment scam.

KAUGNAY NA BALITA: Ken Chan, pinagbawalan na raw magsalita ng kaniyang legal team?

MAKI-BALITA: Ken Chan, sinilbihan ulit ng arrest warrant; wala raw ulit sa bahay?

MAKI-BALITA: Yexel Sebastian dinepensahan paglabas ng bansa: 'Wala kami ni isang kaso!'