December 04, 2024

Home BALITA

First Family, pinangunahan Christmas Tree lighting sa Malacañang

First Family, pinangunahan Christmas Tree lighting sa Malacañang
Photo courtesy: RTVM/Facebook

Nagliwanag na ang Palasyo sa unang araw ng Disyembre. 

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at First Lady Liza Marcos, kasama ang kanilang mga anak na sina Ilocos Norte 1st. Representative Sandro Marcos, Simon at William Marcos, noong Linggo ng gabi, Disyembre 1, 2024. 

Bumida sa naturang maagang pamaskong hatid ng Palasyo sina Jose Mari Chan, Alice Reyes Dance Philippines (ARDP) at Carla Guevara-Laforteza na nagtanghal sa sa naturang Paskuhan sa Kalayaan grounds sa Malacañang.

Ilang senador din ang dumalo sa nasabing Christmas lighting katulad nina Sen. Chiz Escudero, Sen. Grace Poe, Sen. Koko Pimentel at Sen. Jinggoy Estrada. 

Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!

Samantala, ayon naman sa ulat ng isang local media outlet, hindi dumalo sa Vice President Sara Duterte sa nasabing okasyon, bagama’t ayon daw kay Palace Deputy Social Secretary Dina Arroyo Tantoco ay nabigyan din daw siya ng imbitasyon. 

Bago ang tuluyang pagpapailaw sa higanteng Christmas Tree, maaga ring nagbukas ang Palasyo para sa ilang mga panauhin mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa, na ayon sa ulat ng isang local media ay tinatayang umabot sa halos libong estudyante ang dumalo. 

Ang naturang selebrasyon ng Palasyo ay may temang “Puso ng Pasko,” kung saan hinarana naman ni National Artist for Music na si Ryan Cayabyab ang libong panauhin kasama ang isa pang pambansang alagad ng sining na si Alice Reyes. 

Bukod sa musical performances, naghandog din ng libreng pakain ang Palasyo sa lahat ng dumalo at nakiisa sa maghapong selebrasyon, bilang maagang pamaskong hatid umano ni PBBM.