January 22, 2025

Home BALITA

DOH, nanguna sa pagsulong ng karapatan ng 'people living with HIV’

DOH, nanguna sa pagsulong ng karapatan ng 'people living with HIV’
Photo courtesy: DOH (FB)

Ipinaalala ng Department of Health (DOH) na ang World AIDS Day ay isang magandang oportunidad upang makiisa ang lahat upang isulong ang mga hakbang ng Pilipinas laban sa HIV at AIDS.

Sa Facebook post ng DepEd Philippines nitong Linggo, Disyembre 1, binigyang-diin nila na dapat itaguyod ang karapatan ng mga taong namumuhay na may HIV at AIDS na patuloy na nakararanas ng stigma at diskriminasyon.

Ayon sa DOH, Sa pamamagitan ng pagtutulungan ay tiyak na mapapalawak ang kamalayan ng bawat isa para tapusin ang stigma at para lahat ay pantay-pantay dahil ang bawat buhay ay mahalaga.

Kasabay nito, naglunsad ng Facebook live ang DOH upang bigyang kaalaman ang lahat tungkol sa paggunita ng World AIDS Day na may temang Take the Rights path ngayong taon.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Sinabi rin nila na naging matagumpay ang isinagawang 2024 Philippine AIDS Walk at ngayon layunin nilang mas lalong magsama-sama upang ipagpatuloy ang pagsulong ng kamalayan ng bawat isa nang tuluyang mapuksa ang stigma at diskriminasyon.

Bago magtapos ang araw, isinagawa rin ng DOH ang pakikiisa sa Philippine National AIDS Council (PNAC) upang labanan ang HIV/AIDS stigma at mas lalong pagtibayin ang kampanya para sa Prevention, Testing at Proper Management.

Ayon sa kanilang post, inilunsad ng DOH at (PNAC) ang kampanyang “Undetectable = Untransmittable” sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV, na tinatayang aabot sa 215,400 ngayong taon.

Binigyang-diin ng kampanya ang maagang pagsusuri, ligtas na pakikipagtalik, at paggamit ng PrEP at Antiretroviral Therapy (ART) para makontrol ang virus.

Nanawagan ang mga opisyal para sa sama-samang aksyon upang palawakin ang mga interbensyon at tiyakin ang malawak na pag-access sa serbisyong walang diskriminasyon para tuluyang masugpo ang epidemya.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang virus na umaatake sa immune system ng katawan, partikular na ang CD4 cells (isang uri ng T cell). Kapag hindi nagamot, maaaring humantong ang HIV sa AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome), na siyang pinakamatinding yugto ng impeksyon. Sa yugtong ito, malubha na ang pinsala sa immune system, at nagiging madali ang pagpasok ng mga opportunistic infections o kanser.

Ang HIV ay naipapasa sa pamamagitan ng partikular na likido mula sa katawan, tulad ng dugo, semilya, vaginal at rectal fluids, at gatas ng ina. Hindi ito naipapasa sa pamamagitan ng casual na pakikisalamuha.

Ang pangunahing lunas ay ang antiretroviral therapy (ART), na tumutulong upang makontrol ang virus, bigyang-daan ang malusog na pamumuhay ng taong may HIV, at mabawasan ang panganib ng pagkalat nito.