Usap-usapan sa social media ang umano’y ilang larawan ng Panguil Bay Bridge na nagpapakita ng pagkasira daw ng ilang parte ng naturang tulay.
Ang Panguil Bay Bridge ang pinakamahabang tulay sa Mindanao na binuksan sa publiko noong Setyembre 27, 2024, na may habang 3.17 kilometro na siyang nagdurugtong sa mga probinsya ng Lanao Del Norte at Misamis Occidental na ayon sa ulat ng isang local media outlet ay tinatayang nasa ₱8 bilyon ang halaga ng nasabing tulay.
Samantala, ilang larawan naman ng Panguil Bay Bridge ang kumakalat sa social media na umano’y bako-bako na raw, dalawang buwan matapos itong buksan.
Isa ang Facebook page na Nuffsaid Society sa nagbahagi ng ilang larawan ng Panguil Bay Bridge noong Nobyembre 30, 2024 kung saan mapapansing tila tanggal na ang espalto ng naturang tulay at may ilang tubig na rin sa bahagi nito.
Ang umano’y sira sa nasabing tulay, ay hindi nakaligtas sa mga puna ng netizens.
“Congratulations sa mga naka kickback diyan!”
“Salamat Digong sa mga proyektong marupok, POGO atbp.”
“It's very common, it happens all over PH. This corruption never ends.”
“The design is sign of corruption.”
“DPWH no na????”
“Build Build Build made in China”
“Build Build Build ni Dutae.”
“The longest bridge in Mindanao....the longest source of corruption.”
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung totoo nga ba ang kumakalat na mga larawan.