January 22, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha
Photo courtesy: CCM Film Productions (FB)/Freepik/Kapamilya Online Live

Pinupuri ng mga netizen ang husay sa pag-arte ng aktres na si Mercedes Cabral, na gumaganap na "Lena" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Epektibo raw kasi ang pagganap niya bilang Lenang tila unti-unti nang tinatakasan ng katinuan, dahil sa pagpapalayas sa kaniya ni Rigor (John Estrada) at pagkawala ng baby sana nila.

Si Lena ang tinaguriang "Pambansang Jumper" o kabit ni Rigor sa kuwento, na isinama niya sa bahay kahit naroon ang legal wife na si Marites, na ginagampanan naman ni Cherry Pie Picache.

Pero naloloka ang mga netizen sa itinatakbo ng plot ng action-drama series na pinagbibidahan at idinederehe ng tinaguriang Primeting King na si Coco Martin.

Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

Parang suspense-thriller-horror na raw ang pinapanood nila matapos binalak ni Lena na maghiganti kay Marites, sa pamamagitan ng pananakit sa mga taong malalapit sa legal wife ni Rigor, gaya nina Noy (Lou Veloso), Roda (Direk Joel Lamangan), at Tindeng (Charo Santos).

Nakakaaliw naman ang mga kuda ng netizens patungkol dito. May mga nagsabi pang kamukha raw ni "Chucky" si Lena.

Si Chucky ay ang nakatatakot na manikang karakter sa pelikulang "Child's Play" na isang notorious serial killer.

"Cabral is the best horror character... Pwede siya sa wild flower"

"Suspense-thriller-horror na yata ito jusko haha."

"nakakatakot pala sa Quiapo ngayon. ingat kayo diyan sa Quiapo"

"Anung Klaseng storya ginagawa mo Coco.."

"ginawang horror hahaha serial killer ......partida dating pulis yan ah"

"Ito lng yong killer na hirap hulihin, eh ng Dyan lng nmn sa labas pa gala2x. Hayssss. Dami pang tao nakakita,,,sooo deadma lng. Paitah!!!! Hahaah coco wla na talagang ibang maisip??? Plsss yong mkatotohanan nmn."

"Ano nang nangyari sa Batang Quiapo hahaha."

"Tapos na Halloween diba bakit ganyan tema ng palabas"

"Batang Quiapo horror edition"

"Hindi na Ata batang quiapo to parang pang horror quiapo nato"

"Kamukha ni Chucky hahaha."

Anyway, sa panayam ni Ogie Diaz kay Coco Martin sa "Ogie Diaz Inspires," sinabi ni Coco na wala talagang "kuwento" ang Batang Quiapo. Kumbaga, mayroon itong simula subalit wala itong gitna at katapusan.

"Ang Probinsyano at Batang Quiapo wala kasi siyang kuwento, wala siyang kuwento... kaya kahit saan ko siya dalhin, sinasalo lang siya ng viewers. Meron akong umpisa, pero wala akong gitna at dulo. Paano aabot ang isang show ng 7 years? Alam mo naman kapag gumagawa tayo ng teleserye, alam mo na kung saan pupunta ang kuwento, kung saan ang journey. Ako kasi ang dali kong ikabig, ang dali kong manipulahin. 'Ah okay, bagsak ang plot nito, kabig na agad tayo. Nakabisado ko na siyang draybin. Alam ko na," paliwanag pa ni Coco.

MAKI-BALITA: 'Horror Quiapo na?' Serye ni Coco, pa-suspense-horror na raw

Anyway, ano nga kaya ang magiging reaksiyon at komento ni Mercedes sa feedback sa kaniya ng mga manonood at netizens?