December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Horror Quiapo na?' Serye ni Coco, pa-suspense-horror na raw

'Horror Quiapo na?' Serye ni Coco, pa-suspense-horror na raw
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YouTube)

Naloloka ang mga netizen sa itinatakbo ng plot ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na pinagbibidahan at idinederehe ng tinaguriang Primeting King na si Coco Martin.

Sa latest na mga pangyayari kasi ay tila nasisiraan na ng bait ang karakter ni Mercedes Cabral na si "Lena" matapos siyang palayasin ni Rigor (John Estrada) at malaglagan ng pinagbubuntis.

Dahil dito ay tila ninanais ni Lena na maghiganti kay Marites (Cherry Pie Picache) kaya isa-isa niyang sinasaktan ang mga taong malalapit sa kaniya, gaya nina Noy (Lou Veloso), Roda (Direk Joel Lamangan), at Tindeng (Charo Santos).

Aliw naman ang mga kuda ng netizens patungkol dito.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

"Cabral is the best horror character... Pwede siya sa wild flower"

"Suspense-thriller-horror na yata ito jusko haha."

"nakakatakot pala sa Quiapo ngayon. ingat kayo diyan sa Quiapo"

"Anung Klaseng storya ginagawa mo Coco.."

"ginawang horror hahaha serial killer ......partida dating pulis yan ah"

"Ito lng yong killer na hirap hulihin, eh ng Dyan lng nmn sa labas pa gala2x. Hayssss. Dami pang tao nakakita,,,sooo deadma lng. Paitah!!!! Hahaah coco wla na talagang ibang maisip??? Plsss yong mkatotohanan nmn."

"Ano nang nangyari sa Batang Quiapo hahaha."

"Tapos na Halloween diba bakit ganyan tema ng palabas"

"Batang Quiapo horror edition"

"Hindi na Ata batang quiapo to parang pang horror quiapo nato"

Anyway, sa panayam ni Ogie Diaz kay Coco Martin sa "Ogie Diaz Inspires," sinabi ni Coco na wala talagang "kuwento" ang Batang Quiapo. Kumbaga, mayroon itong simula subalit wala itong gitna at katapusan.

"Ang Probinsyano at Batang Quiapo wala kasi siyang kuwento, wala siyang kuwento... kaya kahit saan ko siya dalhin, sinasalo lang siya ng viewers. Meron akong umpisa, pero wala akong gitna at dulo. Paano aabot ang isang show ng 7 years? Alam mo naman kapag gumagawa tayo ng teleserye, alam mo na kung saan pupunta ang kuwento, kung saan ang journey. Ako kasi ang dali kong ikabig, ang dali kong manipulahin. 'Ah okay, bagsak ang plot nito, kabig na agad tayo. Nakabisado ko na siyang draybin. Alam ko na," paliwanag pa ni Coco.

MAKI-BALITA: Galing na mismo kay Coco: Batang Quiapo, wala talagang kuwento