December 04, 2024

Home BALITA National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Sultan Kudarat

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Sultan Kudarat
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa Sultan Kudarat nitong Linggo ng madaling araw, Disyembre 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:10 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 82 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kalamansig, Sultan Kudarat, na may lalim na 25 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa City of Zamboanga.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.