January 23, 2025

Home BALITA

Umabot na sa Siargao? Chinese vessels, naispatan ng Philippine Coast Guard!

Umabot na sa Siargao? Chinese vessels, naispatan ng Philippine Coast Guard!
Photo courtesy: PCG via Ted Cordero/GMA Integrated News/Facebook

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Nobyembre 30, 2024 ang umano’y namataan nilang Chinese Vessels malapit sa isla ng Siargao sa Surigao Del Norte. 

Sa isinagawang news forum, ibinahagi ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela ang ilang impormasyon kaugnay ng nasabing Chinese vessels. 

“So it’s outside our EEZ. However we are still monitoring itong paggalaw nitong Chinese research vessels na ito because at some point it entered our EEZ noong mga nakaraang araw,” ani Tarriela. 

Dagdag pa niya, batay daw sa kanilang monitoring, hindi pa naman daw nagtatagal ang nasabing Chinese Vessels sa kahabaan ng Siargao island, bagkus ay dumadaan-daan lang daw ang mga ito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Basically dumaan lang siya talaga. It never loitered. Pumasok siya lumiko ulit,” anang PCG spokesperson. 

Nilinaw di ni Tariella na pawang research team daw ito ng China at isinaad na ang ganitong mga aktibidad daw ng foreign vessels ay nangangailangan ng kaukulang permiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at national government. 

“For the marine scientific research na ito, this should have been approved by the national government and the DFA should also be giving clearance dito sa mga marine scientific research ng ibang bansa,” saad ni Tarriela. 

Samantala, nanindigan naman ang PCG na ginagawa raw nila ang lahat upang ipaintindi sa China na wala raw jurisdiction ang mga ito sa karagatang nasasakop ng Pilipinas. 

“We are religiously challenging them and informing them it is part of the territorial sea of the Philippines, that they do not have jurisdiction over these waters and they have to respect our sovereignty,” giit ni Tarriela. 

Matatandaang nitong buwan din ng Nobyembre nang tahasang almahan ng China ang dalawang maritime laws na ipinasa at pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na naglalayong pagtibayin pa ang soberanya ng bansa sa contested areas West Philippine Sea. 

KAUGNAY NA BALITA: China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM