Nagpahayag ng pasasalamat si Vice President Sara Duterte sa mga abogado, doktor at iba pa raw propesyonal na tumutulong sa Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng "ongoing crisis” ng opisina.
“The Office of the Vice President would like to express our deepest gratitude to all the lawyers, doctors and other professionals who are helping the personnel affected by the on-going crisis in the office,” ani Duterte sa isang video message nitong Biyernes, Nobyembre 29.
“The legal documents are now with the lawyers, and the patients are under the expert care of healthcare personnel. All these back office support shall allow me and other personnel to focus on the OVP thanksgiving, year-end activities, office utilization review, and the calendar year 2025 planning,” dagdag niya.
Siniguro rin ng bise presidente na kahit nahaharap daw sila sa krisis, patuloy raw silang magsisilbi sa mga Pilipino.
“We assure the Filipino people that even in times of crisis and without resources, we shall stand tall, strong and resilient in our service to the Filipino people,” ani Duterte.
“We will not break,” saad pa niya.
Hindi nakaharap ang bise presidente sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyenres para sa natanggap niyang subpoena dahil umano sa dadaluhan niyang “office matters” na kinakailangan ng kaniyang agarang atensyon.
Matatandaang naghain ng subpoena ang NBI laban kay Duterte matapos niyang pagbantaan ang buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI
KAUGNAY NA BALITA:'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM