January 22, 2025

Home BALITA

VP Sara hindi sumipot sa NBI; sinisi 'late cancellation' ng hearing ng Kamara?

VP Sara hindi sumipot sa NBI; sinisi 'late cancellation' ng hearing ng Kamara?
Photo courtesy: File Photo, House of Representatives/Facebook

Nilinaw ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang naging dahilan umano ni Vice President Sara Duterte kung bakit hindi ito humarap sa NBI nitong Biyernes, Nobyembre 29, 2024.

Sa press briefing, binasa ni Santiago ang letter daw na ipinadala ni VP Sara sa kaniyang legal counsel na nagsasaad ng rason niya sa hindi pagdalo sa NBI matapos maipa-supoena.

“Client will not be able to appear at our scheduled investigation, twenty nine November as she will be attending to office matters requiring her urgent attention, as a consequence of the ongoing House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability’s inquiry into the Office of the Vice President,” ani Santiago.

Matatandaang nag-anunsyo ng kanselasyon ng hearing ang nasabing komite noong Huwebes, Nobyembre 28, upang magbigay-daan daw sa imbestigasyon ng NBI  kay VP Sara at para hindi na rin umano sila magamit pang dahilan upang lumiban daw ang Pangalawang Pangulo sa kaniyang subpoena. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

KAUGNAY NA BALITA: Kamara, ipinagpaliban ang hearing para daw makadalo si VP Sara sa subpoena ng NBI

Nabanggit din ng NBI Director na nakatakdang ilipat sa darating Disyembre 11, 2024 ang muling pagharap ni VP Sara sa kanilang ahensya. 

Samantala, nang tunungin ng media kung anong mangyayari kapag hindi ulit nakadalo—tanging valid reason daw ang tatanggapin NBI. 

“Halimbawa, magkasakit si ma’am ay valid reason yan. Whatever na valid reason, except lang na hindi siya dadalo rito, ni haniho wala. Walang papadalang counsel. Eh that will indicate na mag-we-wave na siya sa kaniyang karapatan na humarap sa aming imbestigasyon,” anang NBI Director. 

Naghain ng subpoena ang NBI kay VP Sara matapos niyang pagbantaan ang buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

KAUGNAY NA BALITA:'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM