Nangungunang infectious disease killer ang sakit na tuberculosis (TB) noong 2023, ayon sa World Health Organization (WHO).
Sa datos ng WHO sa kanilang Global Tubercolosis Report 2024, nalampasan ng TB ang COVID-19. Ito rin umano "leading killer" ng mga taong may HIV, at sanhi ng mga pagkamatay na may kaugnayan sa antimicrobial resistance.
Ayon sa WHO, tinatayang nasa 10.8 milyong katao ang tinamaan ng TB sa buong mundo. 55% dito ang kalalakihan, 33% ang kababaihan, at 12% ay mga bata at kabataan. Umabot naman sa 6.1% na may HIV ang tinamaan ng TB.
Dahil sa TB, tinatayang umabot sa 1.25 milyong katao ang namatay sa buong mundo, kabilang dito ang 161,000 kataong may HIV. Mas mababa naman daw ito kumpara sa 1.32 milyong namatay noong 2022.
Sa Pilipinas, ayon pa rin sa WHO, may 100 Pilipino ang namamatay kada araw. Kung saan kabilang din ang bansa sa walong bansa na may mataas na kaso ng TB, na umabot sa 739,000 kaso kada taon.
Samantala, ayon pa rin sa WHO, kabilang ang Pilipinas sa walong bansa na may mataas na kaso ng TB, na may 739,000 na kaso kada taon.
Dagdag pa ng WHO, may 100 Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa naturang sakit.
Ayon sa Department of Health (DOH) ng Pilipinas, ang tuberculosis ay "disease caused by a bacterium called Mycobeacterium tuberculosis that is mainly acquired by inhalation of infectious droplets containing viable tubercle bacilli."
"Infectious droplets can be produced by coughing, sneezing, talking and singing. Coughing is generally considered as the most efficient way of producing infectious droplets," dagdag pa nito.