November 29, 2024

Home BALITA

Sen. Bato ipinagtanggol si VP Sara: 'Hindi siya atat maging Presidente!'

Sen. Bato ipinagtanggol si VP Sara: 'Hindi siya atat maging Presidente!'
Photo courtesy: Bato dela Rosa/Facebook

Bumanat si Sen. Rondald “Bato” dela Rosa laban sa pahayag ni Zambales 1st. District Representative Jay Khonghun na naggigiit na tila nagmamadali raw maging Presidente si Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng media kay Dela Rosa, ipinagtanggol niya ang Pangalawang Pangulo at pinabulaanan ang pahayag ni Khonghun.

“Atat si Inday Sara na maging presidente? Or yung boss nila ang atat maging presidente in 2028 kaya dine-demolish nila si VP Sara? Which is which?” ani dela Rosa.

“Hindi siya atat. Hindi siya atat maging presidente. Hindi siya atat,” pahabol ng senador.

National

VP Sara sa kinahaharap na ‘krisis’ ng OVP: 'We will not break!'

Matatandaang diretsahang binanggit ni Khonghun sa press briefing nitong Huwebes, Nobyembre 28, 2024 na nagsimula raw magkagulo sa gobyerno nang mangarap daw si VP Sara na maging pangulo katulad ng kagustuhan daw ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nagsimula lang naman lahat ng kaguluhan na ito noong mangarap ang ating bise presidente na maging presidente nang maaga, noong mangarap ang former President [Rodrigo Duterte] na paupuin yung kaniyang anak na maging presidente kaagad,” saad ni Khonghun.

Dagdag pa ni dela Rosa isang kapalaran daw ang maging Presidente ng bansa, at hindi raw pwedeng maging ambisyon at planuhin.“Kung bibigay ng Panginoon ‘yan sa kanya. To become a president is a destiny. Hindi ‘yan pwedeng ambisyunin. Hindi pwedeng planuhin,” saad ng senador.

Nagpasaring din ang senador sa mga taong “nag-aasam” daw na maging Presidente at siyang naninira kay VP Sara.

“Useless yung paninira nyo, yung pang-demolish nyo, yung inyong mga atake. Useless yan. Hindi talaga mapupunta sa inyo kung hindi yan ibibigay ni Lord sa inyo,” saad ni dela Rosa.

Samantala, kamakailan lang ay nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa kapuwa niya mambabatas na manatili raw tapat sa Kongreso, laban sa umano’y mga walang basehang akusasyon laban sa kaniya.

“Let us rise above the distractions! Let us reject all the baseless accusations! Let us focus on what truly matters, serving the people and strengthening the institution that upholds our democracy,” anang House Speaker.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'