January 23, 2025

Home BALITA

Indonesia, pipilitin maibalik ng Pinas si Mary Jane Veloso hanggang Enero

Indonesia, pipilitin maibalik ng Pinas si Mary Jane Veloso hanggang Enero
Photo courtesy: Pexels and Manila Bulletin file photo

Kinumpirma ng Indonesian government na maaari ng makabalik ng Pilipinas si Mary Jane Veloso at iba pang foreign inmate mula katapusan ng Disyembre o hanggang Enero 2025.

Ayon sa ulat ng GMA News nitong Biyernes, Nobyembre 29, nanggaling ang anunsyo mula kay Indonesian Senior Minister Yusril Ihza Mahendra, kung saan inihayag umano nito na kasama na si Veloso sa ilang foreign prisoners sa Indonesia na maililipat na pabalik sa kani-kanilang bansa hanggang sa katapusan ng Disyembre.

“Our target is hopefully at the end of December, the transfers of these prisoners will have been completed,” ani Yusril.

Muli ring inulit ni Yusril na nirerespeto raw nila kung mapapatawan ng amnestiya sina Veloso sa pagbalik nila sa kanilang mga bansa. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We are transferring them to their countries so they can serve their sentence there, but if the countries want to give amnesty, we respect it. It's their right," anang senior Minister.

Ilan sa mga foreign prisoners na nakatakdang ilipat ng Indonesia ay mula sa mga bansang Australia at France.

Matatandaang noong Nobyembre 20 nang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagpayag daw ni Indonesian President Prabowo Subianto na mailipat na siya ng kulungan pabalik ng bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: Nasentensyahang si Mary Jane Veloso, babalik na sa Pilipinas—PBBM

Si Veloso ay nasintensyahan ng bitay sa Indonesia noong 2010 matapos siyang mahulihan ng iligal na droga dahil umano sa pambibiktima ng kaniyang illegal recruiter.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso