Ibinahagi ng actress-politician na si Andrea Del Rosario ang minsang pagtatagpo nila ni Hollywood actor Vin Diesel.
Sa latest episode kasi ng “Lutong Bahay” kamakailan, nausisa si Andrea ng host nitong si Mikee Quintos kung sino ang showbiz personality na binasted niya.
“Vin Diesel,” sabi ni Andrea sabay tawa. “Jino-joke lang kita. Ayaw ko lang umiinom.”
Pero ayon sa aktres, totoo raw na nagkita sila ng Hollywood actor sa isang bar noon. Nilapitan daw siya ng mga guard nito.
Aniya, “Na-meet ko siya. When you go to mga bars, ‘di ba, may lumapit sa akin mga bodygurads niya. Sabi nila, ‘Hey, you know, he wants to meet you.’ Sabi ko, [nag-flip ng hair].”
“In-invite niya kami na pumunta sa house party niya. So, gano’n ko siya na-meet,” dugtong pa ng aktres.
Tanong naman ni Mikee, “‘Yong rejection po paano nangyari? ’Yong pagkabasted?”
“Kasi umuwi na ako ng Philippines after that. So, we went to his house, we went there several times, nagkaroon sila ng mga house parties gano’n and then syempre minsan may mga kwentuhan kami [...] And then kinailangan ko na umuwi sa Philippines,” sabi niya.
Matatandaang si Andrea ay kabilang noon sa pop girl group na Viva Hot Babes kung saan niya nakasama ang mga kapuwa niya rin artista at modelong sina Maui Taylor, Katya Santos, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Jaycee Parker, Jennifer Lee, Sheree Bautista, at Asia Agcaoili.