January 05, 2025

Home BALITA Metro

Akbayan, hinimok ang DOTr na pahabain operating hours ng LRT, MRT

Akbayan, hinimok ang DOTr na pahabain operating hours ng LRT, MRT
Photo Courtesy: Akbayan (FB), via MB

Nanawagan si Akbayan Representative Perci Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na pahabain ang operasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 hanggang madaling-araw.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Cendaña nitong Biyernes, Nobyembre 29, hindi umano makakasapat kung limitado lang hanggang 10:30 ng gabi ang serbisyo ng mga nabanggit na rail transit para sa mga nagtatrabaho ng night shift.

“Malaking kaginhawaan para sa libo-libo nating night shift and BPO workers kung i-extend natin ang operating hours ng MRT and LRT lines. It’s one way the government can alleviate the unpleasant experience ng pag-commute sa Metro Manila," saad ni Cendaña

Dagdag pa niya, “Isipin natin na lalo lang din sisikip ang traffic ngayong holiday season. Dagdag parusa ‘yan sa ating mga commuters. Ibigay na natin ito sa kanila bilang maagang pamasko.”

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

Bukod dito, inilatag din ng kongresista ang dagdag na benepisyong maidudulot umano ng pagpapahaba sa operating hours ng LRT at MRT.

Aniya, “Kung  nasa loob ka ng istasyon ng mga tren at least may security guards, well-lighted ang stations, at may CCTV pa. Kung i-extend pa natin ang operating hours ng ating mga mass transit lines mababawasan yung risks sa pag-commute sa gabi.”