Habang ipinagdiriwang ng marami ang unveiling ng wax figure ni Anne Curtis, may ilang netizens na nagtanong kung bakit siya ang napili para sa prestihiyosong Madame Tussauds, sa halip na mga mas beteranang aktres.
Ang wax figure ni Anne, na nakatakdang i-display sa Madame Tussauds Hong Kong simula Disyembre 9, ay unang inunveil noong Miyerkules, Nobyembre 27 sa Makati City.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Anne ang kaniyang nadarama patungkol sa pag-unveil niya ng kaniyang wax figure.
"I am honored, thrilled, and excited. This is amazing. I can't believe that I'm gonna have my very own wax figure," saad ni Anne
Binihisan ang wax figure ng eleganteng cream Dior gown na personal na idinonate ni Anne. Ayon sa aktres, ito ang isinuot niya sa isang event ng Tiffany & Co., na naging comeback moment niya sa fashion industry.
“I wanted something that would be timeless and elegant, which really speaks with how I like to personally dress. So we went with something that I felt was an iconic moment for me,” aniya.
Kapansin-pansin ang hawak na mikropono ng wax figure, ayon sa aktres, simbolo raw ito ng kaniyang showbiz career.
"In my 27 years in the industry, I felt that a microphone has been such a powerful tool. And whether it be hosting, giving a speech as a UNICEF ambassador, doing my spiels as a TV host on 'Showtime,' or even doing concerts in the Araneta Coliseum, it has been such a powerful tool for me," pahayag niya pa.
Ngunit sa kabila ng kasiyahan at pagkasorpresa ni Anne sa unveiling ng kaniyang “twin” ay umani naman ito ng ilang mapang-okray na reaksiyon mula sa ibang netizens.
Ayon sa ilang komento online, mas nararapat daw bigyan ng ganitong pagkilala ang mga beteranang personalidad na mas may mahabang kontribusyon sa industriya ng showbiz.
Narito ang iba’t ibang mga komento:
“who is she to be given such honor. Vilma, Nora, Sharon deserve better”
“Bakit sya??? Eh dami pang mas nauna sa kanya na mas sikat at premyadong actress tulad ni Sharon Cuneta, Nora Aunor at Vilma Santos??? Bakit sya? Paki explain???”
“I DONT GET IT
WHY DID SHE GET A WAX FIGURE?
I MEAN
HINDI NAMAN SYA GANUN KASIKAT NI WALA SYANG ADVOCACY
NI HINDI SYA BEAUTY QUEEN
ANG DAPAT MAY WAX FIGURE E SI EFREN BATA REYES OR SI HEART EVANGELISTA
THIS IS SOOO WEIRD”
“Hindi ikaw Ang kaunaunahan Filipina actress na may wax figures, Si Lea Salonga maliban sa singer actress din.”
“Wala kayo magawa”
“Si Anne para maka- attract ng touristang Pinoy. Karamihan nyan ay mga batang henerasyon. Mababaw na tayo ngayon. Maski sa gobyerno artista binoboto natin.”
Sa kabila nito, marami rin ang nagtanggol kay Anne, binibigyang-diin ang kaniyang mahigit dalawang dekadang kontribusyon bilang aktres, host, at UNICEF ambassador.
“Sa mga bashers diyan kaya may wax si Anne I think because she's fluent to English and most followed actress in Instagram. That's only my opinion.”
“Congratulations Ms. Anne Curtis You are the one and only dyosa”
“Congratulations Ms. Anne Curtis you are such an incredible actress, genuine and gorgeous”
“Si Anne hindi lang kilala sa bansa kundi maging sa labas ng bansa. Kaya deserve gawan ng wax figure”
“Bakit si ann curtis?kasi total package kasi si ann mapa drama,comedy,bida,kontra-bida,action star at fanta serye ginawa na niya lahat yan,, at all out performers pa siya,,,dapat siyang tularan”
“Ambassador ng UNICEF si anne dzai, pinaka maraming follower na actress sa piñas at madami na ding award, at may movie din sya sa Hollywood at matagal na din sya sa entertainment industry. may wax figure na din dun sila Lea salonga na broadway singer, Catriona, at pia na mga miss universe sa pag kaka alam ko. kaya hindi lang si anne. At deserve naman ni anne wag kang bitter.”
Mariah Ang