November 28, 2024

Home BALITA

Panawagan ni Ex-Pres. Duterte sa militar, 'dangerous and reckless' —Cong. Benny Abante

Panawagan ni Ex-Pres. Duterte sa militar, 'dangerous and reckless' —Cong. Benny Abante
photo courtesy: MJ Salcedo/BALITA

Tinawag ni Manila 6th District Congressman Benny Abante na "dangerous and reckless" ang naging panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga militar na "lutasin" ang aniya'y "fractured governance" sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sa kanyang pagdalo sa Machra's Balitaan sa Harbor View nitong Huwebes ng umaga, sinabi ni Abante na mapanganib ang naturang pahayag, lalo na at galing ito sa isang dating pangulo ng bansa.

Giit pa niya, hindi nakakatulong ang naturang pahayag sa kasalukuyang problema ng pamahalaan.

"...Yung statement ng ating dating pangulo ay talagang hindi nararapat. Delikado yan e. That's dangerous ano...Hindi nakakatulong ang naturang pahayag, especially coming from a former commander-in-chief," pahayag pa ni Abante.

Metro

2 college students na magkaangkas sa motorsiklo, patay sa aksidente; 3 sugatan

Mabuti na lamang aniya at nagsalita na ang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at tiniyak na sila ay nananatiling loyal sa Konstitusyon.

Dagdag pa niya, ang ganitong mga pahayag ay maaaring magdulot ng disunity o pagkakawatak-watak at maghatid ng maling mensahe sa mga mamamayan.

"Ang mga ganitong statement, they sow disunity among our people. They send the wrong message to our people," ani Abante.

"Sa akin lang kailangang tumayo tayo sa tama," dagdag pa niya.

Naniniwala rin naman si Abante na tama lamang na maimbestigahan ang isyu ngunit ayaw umano niya itong pangunahan.

"The responsible authorities are justified into looking into the statement to see if they are actually seditious," aniya.

"Hindi ito dapat i-preempt at tingnan kung talagang kumpleto ito ng element ng sedisyon," pahayag pa ng kongresista.

"Let the lawyers be the one to determine that."

 Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na iniimbestigahan na nila ang panawagang ito ni ex-PRRD.