January 22, 2025

Home BALITA

Kamara, ipinagpaliban ang hearing para daw makadalo si VP Sara sa subpoena ng NBI

Kamara, ipinagpaliban ang hearing para daw makadalo si VP Sara sa subpoena ng NBI
Photo courtesy: House of Representatives/ Facebook, file photo, NBI/website

Naglabas ng pahayag ang House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa pagbibigay daw nila ng daan sa nakatakdang pagharap ni Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) sa darating na Biyernes, Nobyembre 28, 2024.

Sa press briefing nitong Huwebes, Nobyembre 27, iginiit ng nasabing komite na handa raw silang ipagpaliban ang pagdinig ng Kamara tungkol sa kuwestyonableng paggamit ng Office of the Vice President ng confidential funds, upang makaharap daw si VP Sara sa NBI at maiwasan daw na magamit silang dahilan upang hindi nito siputin ang kaniyang subpoena.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

Ayon kay Manila Third District Rep. Joel Chua, nakapagpasya raw sila nitong Huwebes na ipagpaliban ang hearing dahil naniniwala raw sila na impotansya ng imbestigasyon na gagawin ng NBI dahil hindi usapin na raw ng national security ang mga naging pahayag ng Pangalawang Pangulo. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kami po kanina ay nagdesisyon to postpone the committee hearing tomorrow to pave way sa imbestigasyon po ng NBI nang sa ganoon ay hindi naman po kami nagagamit bilang excuse para masagot po yung complaint po dito,” ani Chua.

Sumang-ayon din sa nasabing press briefing si Zambales Representatives Jay Khonghun, aniya, mas mainam daw na hindi ituloy ang pagdinig upang makapagpaliwanag si VP Sara sa NBI. 

“Ayaw natin maging rason, gawing hadlang ang komite, gawing rason ang hearing ng blue ribbon committee para hindi harapin ni Vice President Sara, lalong lalo na yung subpoena sa kaniya ng NBI,” saad ni Khonghun.

Matatandaang usap-usapan pa rin ngayon ang pagbabanta ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez, kung sakali raw na may mangyaring masama sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA:'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM

KAUGNAY NA BALITA: Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang