November 27, 2024

Home BALITA National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara
MB photo by Santi San Juan, VP Sara (Facebook)

Naghain ng patong-patong na reklamo ang Quezon City Police District (QCPD) laban kay Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Nobyembre 27.

Pinangunahan ni QCPD Director PCOL. Melecio Buslig Jr. at iba pang opisyal ng QCPD ang paghahain ng reklamo sa Quezon City Prosecutor's Office.

Bukod kay Duterte, kasama rin sa inireklamo ng QCPD si Army Col. Raymund Lachica ng Vice Presidential Security Protection Group, atbp. 

Nag-ugat umano ang reklamong ito dahil sa nangyaring tensyon sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa pagitan ng Bise Presidente at mga pulis noong Sabado, Nobyembre 23.

National

Bam Aquino sa kaarawan ni Ninoy: 'Ipagpatuloy natin ang mga ipinaglaban niya!'

Matatandaang unang isinugod si Office of the Vice President (OVP) chief of staff Atty. Zuleika Lopez sa VMMC dahil umano sa "anxiety attack" at nawalan umano ng malay noong Sabado ng umaga, pero inilipat sa St. Luke's Medical Center dahil sa utos umano ni Duterte. 

Gayunman, muling ibinalik si Lopez sa VMMC, alinsunod sa utos ng Kamara

Samantala, ang mga kasong isinampa umano ng QCPD laban kay Duterte ay direct assault, grave coercion, at disobedience.