November 27, 2024

Home BALITA Politics

John Arcilla sa mga pumapasok sa politika: 'Bakit ka nandiyan?'

John Arcilla sa mga pumapasok sa politika: 'Bakit ka nandiyan?'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Nagbigay ng reaksiyon ang award-winning actor na si John Arcilla kaugnay sa mga nagsasabing wala raw karapatang pumasok ang mga artistang tulad niya na pumasok sa mundo ng politika.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni John na ang lahat daw ng tao ay may karapatang kumandidato para sa lokal o pambansang posisyon sa pamahalaan.

Ayon sa kaniya, “Lahat ng tao ay may karapatang tumakbo sa politika at maging opisyal. Ke artista ka o hindi ka arista. Ang tanong, bakit ka nandiyan at pupunta sa politika? Para ba talaga maglingkod o para yumaman?”

“Kasi kung para lang ‘yan sa pera, mali kaagad. Kasi ang politika o ang pagiging opisyal ng bayan ay para maglingkod. ‘Pag yumaman ka raw na nasa politika ka at nasa gobyerno, hindi ka naglilingkod,” wika niya.

Politics

VP Sara, 'ultimate beneficiary' kapag nangyari ang umano'y assassination kay PBBM—DOJ

Dagdag pa ni John, “Dapat malinaw sa ‘yo ‘yan.[...] Lalo na kung artista ka, mas i-define mo sa sarili mo kung totoo bang paglilingkod ang gusto mong mangyari. Kung hindi rin lang, ‘wag mo na lang ituloy.”

Samantala, inamin din ni John na tinanggihan daw niya ang lahat ng alok sa kaniya na pumasok sa politika. Ngunit may isang pagkakataon daw na muntik na siyang kumandidato noong konsehal.

“Naawa lang ako do’n sa nagpipilit sa akin na congressman na sumama ako,” aniya.

Matatandaang sa isang panayam noong Oktubre ay sinabi ni John na hindi raw siya kailanman nagkaroon ng interes sa politika.

MAKI-BALITA: John Arcilla, walang interes sa politika: 'Mas kritiko ako!'