January 22, 2025

Home BALITA

DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng respiratory infections ngayong taglamig

DOH, nagbabala sa posibleng pagtaas ng respiratory infections ngayong taglamig
(MB PHOTO BY ALI VICOY)

Nagbabala si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa posibilidad na tumaas ang mga naitatalang kaso ng respiratory inspections sa bansa ngayong panahon na ng taglamig dahil sa Amihan, kabilang na rito ang ubo, sipon at maging COVID-19.

Sa isang ambush interview ng media nitong Miyerkules, sinabi ni Herbosa na dapat na maprotektahan ang mga mamamayan, partikular na ang mga matatanda at mga kabataan, laban sa mga naturang karamdaman.

Babala ni Herbosa, ang mga naturang sakit ay maaaring lumala at mauwi sa pneumonia, pagkaka-ospital at pagkamatay kung mapapabayaan.

“So we take care of the high risk people. Ganon din ‘yung very small children, they can also have bronchopneumonia and be hospitalized,” aniya. “It’s actually dahil kulob kasi ang isang room with one people coughing, hawa hawa na kayo ng acute respiratory infection. Ubo, sipon, lagnat, pati COVID.”

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Bukod dito, tiniyak rin naman ni Herbosa na patuloy ang monitoring nila sa mga influenza-like illnesses (ILIs) at water-borne diseases ngayong Amihan season.

Pinayuhan din niya ang publiko na panatilihing malinis ang mga kamay, magsuot ng face mask kung nasa mga pampublikong lugar at tiyaking regular na umiinom ng tubig upang maiwasan ang pagkakasakit.

Una nang inanunsiyo ng PAGASA na asahan na ang unti-unting paglamig ng panahon sa bansa dahil sa simula na ng Amihan season.