Ipinagdiriwang ng Department of Education (DepEd) ang araw ng pagbabasa at pagmamahal sa panitikan.
Sa Facebook post ng DepEd Philippines nitong Miyerkules, Nobyembre 27, hinihikayat nila na patuloy na maitaguyod ng bawat isa ang kahalagahan ng pagbabasa at literasiya para sa higit na pagkatuto ng mga Pilipinong mag-aaral ngayong National Reading Day.
Ipinagdiriwang ang National Reading Day tuwing huling Lunes ng Nobyembre taon-taon bilang bahagi ng mas malaking selebrasyon ng Library and Information Services Month at Araw ng Pagbasa.
Layunin ng National Reading Day na:
1. Hikayatin ang mga mag-aaral na linangin ang kanilang interes sa pagbabasa.
2. Palakasin ang pagkilala sa kahalagahan ng literasiya bilang pundasyon ng edukasyon.
3. Itaguyod ang pagmamahal sa panitikan at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbabasa.
Sa mga paaralan, idinaraos ito sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng read-along sessions, storytelling, book drives, at iba pang literacy programs na naglalayong itaas ang antas ng pagbabasa ng mga kabataan.
Ang selebrasyong ito ay bahagi rin ng malawakang kampanya ng Department of Education para sa Every Child a Reader Program (ECARP), na tumutulong sa mga mag-aaral na maabot ang tamang antas ng literasiya sa kanilang edad.
Kasabay nito, ginaganap din ang iba't ibang aktibidad tulad ng storytelling sessions, book fairs, at reading challenges upang maging mas masigla ang pagdiriwang.
Mariah Ang