November 27, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Bitoy, ibinahagi ang mensahe sa likod ng 'Hilaw'

Bitoy, ibinahagi ang mensahe sa likod ng 'Hilaw'
Photo Courtesy: Michael V. (FB)

Ano nga ba ang mensaheng nais ihatid ni comedy genius Michael V. o “Bitoy” nang isulat niya ang “Hilaw” bilang parody version ng hit song na “Dilaw” ng OPM artist na si Maki?

MAKI-BALITA: 'Dami na namang tatamaan!' Bagong parody song ni Bitoy, umani ng reaksiyon

Sa panayam ni Aubrey Carampel nitong Martes, Nobyembre 26, sinabi ni Bitoy na gusto raw niyang makapagbigay ng awareness sa halaga ng wikang Filipino.

“Gusto lang natin mag-create ng awareness, para kahit papaano, baka naman naalala n'yo mga Filipino lessons n'yo, e, ma-i-share n'yo naman sa mga anak n'yo, sa mga kaibigan n'yo," saad ng comedy genius.

Musika at Kanta

'Dami na namang tatamaan!' Bagong parody song ni Bitoy, umani ng reaksiyon

Bukod dito, ibinahagi rin ni Bitoy kung ano nga ba ang pet peeve niya sa pagbuo ng kanta.

Aniya, “Parang nabawasan na 'yong art of songwriting. Pet peeve ko yan 'pag gumagawa ng kanta, gusto ko dapat tama 'yong bilang ng bara.”

“Tama 'yong syllabication, tapos tama 'yong paggamit ng language, 'yong grammar ng Filipino,” dugtong pa niya.

Matatandaang bukod sa “Hilaw” ay ginawan din ni Bitoy ng parody song ang “Salamin, Salamin” ng nation’s girl group na BINI noong Setyembre.

MAKI-BALITA: Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon