"Lahat ng promotions ko sa work dahil pala sa kanya. Dahil grabe ang support system ko galing sa mama ko."
Binigyang-pugay ng isang work-from-home employee ang kaniyang ina dahil sa pagiging supportive at maalaga nito sa kaniya.
Sa isang community sa Reddit, ibinahagi ng netizen ang realization niya sa loob ng four years working from home. Aniya, 'yong mga success niya sa pagtatrabaho ay hindi lamang daw sa effort niya kundi dahil din daw sa pagiging supportive ng kaniyang ina.
"Kanina naluha nalang ako kase narealize ko na yung success ko pala sa pagwo-work-from-home eh hindi lang pala dahil sa effort ko, dahil din pala sobrang supportive ng mama ko," saad ng netizen.
"Nagmamadali ako bumaba kanina para maligo tapos nakita ko nakaabang na at naka-ready na bagong laba na tuwalya ko. Alam kasi ni mama na 12 pm ang start ng work ko and nagmamadali na naman ako for my first meeting sa work. After ko maligo meron na tubig yung electric heater para sa kape pipundutin ko na lang para initin yung tubig. Paglingon ko, may palaman na yung sandwich.
"Araw-araw akong may mainit na breakfast at lunch. Minsan kakatok siya sa pinto ko at iaabot yung banana que para sa meryenda. Nakakatawa kasi minsan naka-meeting ako naka-lock pinto tapos iiwan niya yung miryenda sa baba ng pinto, pagbukas ko may nakaabang na tinapay at kape. Halos araw-araw ganito pala ang ganap. Ngayon ko lang na-realize.
"I never ask. Ayaw ko kase yung pakiramdam na inuutusan ko mama ko. Pero grabe initiative niya sa lahat ng oras at bagay. Ang dami kong nase-save na oras at nagagawa sa trabaho dahil nandyan siya lagi nakabantay 'pag may kailangan ako.
"Ang laking tulong pala. Lahat ng promotions ko sa work dahil pala sa kanya. Dahil grabe ang support system ko galing sa mama ko. Ngayon Friday na, nagtanong sya kung lalabas ako kase inaaya niya ako magkape sa labas libre daw niya kasi baka pagod daw ako sa work. Ako yung may sahod eh, siya sa bahay lang.
"Salamat ng sobra, Ma. Next year mapopromote tayo ulit," kuwento pa niya.
Umani naman ng iba't ibang reaksyon ang naturang kuwento ng netizen tungkol sa kaniyang ina:
"Ganto talaga yung deserve bigyan kahit di na manghingi"
"Talagang iba pag nanay yung nag aalaga. I also wfh ang madalas syempre saktuhan ang gising ko sa work tas may meeting, mama ko ang ginagawa hinahainan ako sa tabi ng laptop ko ng breakfast. Tapos minsan pag nagigising siya madaling araw pinapakain niya cats ko ng dry food para di muna ko gumising maaga. Super happy and blessed kay ma. Kaya kahit pano pag may gusto kainin hindi ko mahindian talaga."
"Naiiyak ako na ewan,OP. Ang saya ko for you. You are blessed. Thank you dahil na-appreciate mo Mama mo."
"You are lucky kasi hindi lahat ng magulang ganyan. I’m glad na naappreciate mo yung mga ginagawa niya for you. Your win is also her win. Dati naiinis ako tuwing ginigising ako ng madaling araw para hindi malate sa work. In the hindsight, sila mismo nagsasacrifice gumising para gisingin ako. Yung inis ko ay dahil kailangan ulit pumasok sa toxic work ko para kumita ng pera. Hindi dahil sa kanila at nadadamay lang sila. Ngayon, hindi na ako ginigising sa madaling araw. Kasi madaling araw na ang tulog ko."
"Narealize ko rin na kung gaano kaimportant yung tulong ni mother nung bumukod na ako at nag asawa grabe yung sa damit nakalaba na may taga tupi. Haha eh, nung nag asawa ako na yung gumagawa tapos pag bibisita sa bahay nila niluluto niya fave na ulam ko tapos iuuwi ko."
"Naiyak ako OP, grabe and nainggit ako kasi my mom before gantong ganto rin sya. Kapag may pasok ako sa school gigisingin nya ko tapos naka ready na yung breakfast ko and alam nya na gusto ko lagi sangag, naka plantsa na rin uniform ko and wala na talaga ako iisipin sa morning. But she died last year eh kaya ngayon ko narerealize na hayy, sarap magka mama kasi ngayong nagwowork na ako, never na ako nakapag breakfast sa morning. Diretso pasok na talaga sa work, ako pa magpprepare ng baon ko sa gabi. Mahalin at pahalagahan mo sya OP, super sarap magka mama nang ganto"
"Same, I have been WFH since 2019 and super supportive ng parents ko. My mum would even make sure na meron akong snacks in between, lol. Kaya kahit anong gusto niya kahit di siya magsabe e binibili ko."
"As someone na naka WFH din pero solo living. Napaka swerte mo OP! Please tell your mom your appreciation. Household chores is also mentally draining. Kaya napaka swerte mo na pag gising mo, may makakain ka. May tanghalian at hapunan ka. Na hindi mo need isipin ano lulutuin, ano kakainin."
---
Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.