November 27, 2024

Home BALITA

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong
Photo courtesy: Jerry Gracio (FB)/via Balita File Photo

Sinabi ng award-winning writer at dating komisyuner ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Jerry B. Grácio na kahit nakatanggap ng katakot-takot na insulto at pambabastos si Vice President Leni Robredo sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay hindi naman nito pinagmumura at pinagbantaan ang buhay ng dating pangulo.

"Sa dami ng pang-iinsulto at pambabastos na natanggap ni Leni mula kay Digong at sa trolls niya, tinawag siyang lutang, tanga, bangag, may kabet, lugaw, madumb, etc.--hindi mo narinig na nagmura si Leni o nagbantang ipapapatay si Digong," mababasa sa Facebook post ni Grácio, Martes ng gabi, Nobyembre 26.

Sundot pa niya, hindi raw kagaya ng kasalukuyang Vice President na si Sara Duterte ay hindi umano humingi ng confidential fund si Robredo noong nakaupo pa siya bilang Pangalawang Pangulo, at hindi nagkaproblema sa Commission on Audit (COA).

"Sabagay, hindi rin nanghingi si Leni ng confidential fund, hindi nagkaproblema sa COA, hindi gumastos ng 125 million sa loob lang ng ilang araw. Hindi katulad ni Sara," aniya pa.

'Demure' itinanghal na Word of The Year ngayong 2024

Photo courtesy: Screenshot from Jerry Gracio (FB)

Matatandaang kamakailan lamang ay naging mainit na usapin at "nagsanga-sanga" na ang naging maaanghang na pahayag ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez, na isa raw "grave active threat."

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan