November 26, 2024

Home BALITA

Sen. Risa, ibinalandra ang chart ng mga personalidad na umano'y sangkot sa POGO

Sen. Risa, ibinalandra ang chart ng mga personalidad na umano'y sangkot sa POGO
Photo courtesy: Sen. Risa Hontiveros (FB)

Sa pagtatapos daw ng pagdinig ng senado sa "krimeng dala" ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa, ipinakita ng chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na si Sen. Risa Hontiveros ang isang chart na nagpapakita ng mga taong may kinalaman daw sa nabanggit na gaming operations sa bansa.

"LOOK: Mga personalidad na naging sangkot sa mga isyu ng POGO," mababasa sa caption ng Facebook post ng senadora, Martes, Nobyembre 26.

"Ngayong tapos na ang ating imbestigasyon sa Senado, isang bagay ang malinaw: walang dinala dito ang mga POGO kundi bangungot."

Samantala, makikita sa nabanggit na chart si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Ma Dong Li, sa bandang itaas na siyang pinagmulan ng koneksyon ng iba pang mga personalidad.

'Demure' itinanghal na Word of The Year ngayong 2024

Iba pang mga pangalan ng mga Chinese at Pilipino ang makikita sa nabanggit na chart, kabilang na si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo o "Guo Hua Ping" at kaniyang mga kapatid na sina Sheila at Wesley Guo.

Makikita rin sa nabanggit na matrix ang negosyanteng si Cassandra Ong, at si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Samantala, sinabi ni Hontiveros na ipinapasa-korte na niya ang hatol para kay Guo.

MAKI-BALITA: Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’