January 22, 2025

Home BALITA National

Mga Obispo kina PBBM at VP Sara: Hindi pagkakaunawaan, isaisantabi

Mga Obispo kina PBBM at VP Sara: Hindi pagkakaunawaan, isaisantabi
(file)

Nananawagan ang mga opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice Preside Sara Duterte na isaisantabi na umano ang kanilang hindi pagkakaunawaan para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng grupo, ang nagpapatuloy na hidwaan nina Pangulong Marcos at VP Sara ay lubhang nakakaapekto sa mga Pilipino. 

"We call upon our esteemed leaders to set aside their differences and work towards a common goal of peace and prosperity for all Filipinos. It is in moments like these that we must remember the importance of solidarity and collaboration," pahayag pa ni Santos sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Aniya, mahalagang magkaisa ang mga lider ng bansa upang makamit ng Pilipinas ang tunay na pagkakaisa tungo sa maunlad at mapayapang lipunan.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Dagdag pa ni Santos, bukas ang simbahan na mamagitan upang magkasundo ang dalawang lider para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.

"The church stands ready to offer its support and facilitate a dialogue that can help bridge the gap between our leaders. As a beacon of hope and reconciliation, the church is committed to fostering an environment where open communication and mutual understanding can thrive," aniya.

Umapela rin ang obispo sa mga mamamayan na magtulungang ipanalangin ang kaliwanagan ng isip at patnubay sa mga lider ng bansa upang mapagtagumpayan ang anumang pagkakaiba at pamunuan ang bansa nang may integridad at pagmamalasakit.

Samantala, nananawagan naman ng kahinahunan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, kaugnay na rin sa mga pahayag ni Duterte laban sa ilang pinuno ng pamahalaan, kabilang na ang pagbabanta umano kay PBBM.

Ikinagulat niya ang mga binitawang salita ng bise presidente na aniya’y hindi naaakma sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

“I am shocked with the recent pronouncement of our VP, herself being the second powerful official of our land. All I can say is that let us maintain our composure even if things are not doing well, let us join our hands and energies together by not succumbing to the present turn of events but rather let the reason and love for each other which is stronger than any power of evil and destruction,” ani Florencio.

Binigyang-diin ni Florencio na ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay mahalaga sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa bansa.

Dagdag pa ng obispo, ang pagtutok sa mga tungkulin at pananagutan ng bawat isa bilang mamamayan ay susi upang mapanatili ang integridad ng Konstitusyon at ng ating bayan.

“Let us rally behind our duly constituted obligations to serve our our country by upholding the constititution. In the mean time I assure all of you that if kneel in prayer to our father in heaven invoking his Guidance and blesssing,” saad pa ng obispo.

Hinikayat din ni Bishop Florencio ang lahat na patuloy na panalangin at hingin ang paggabay at pagpapala ng Diyos sa bansa, at umaasa siyang ang bawat isa ay mananatili sa landas ng pag-ibig, pagkakaisa, at pananampalataya.