November 26, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jonathan Manalo, binira si VP Sara sa pagbanggit kay Ninoy laban kay PBBM

Jonathan Manalo, binira si VP Sara sa pagbanggit kay Ninoy laban kay PBBM
Photo courtesy: Jonathan Manalo (IG)/Bongbong Marcos (FB)/MB

Umalma ang creative director ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kay President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., kaugnay sa counter-statement nito sa pagpalag ng pangulo sa "pagbabanta" niya laban sa kaniya, sa kaniyang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay VP Duterte nitong Lunes, Nobyembre 25, sinabi niyang pumapalag din siya sa sinabi ng pangulo, gaya ng pagpalag ng taumbayan noon sa ginawa raw ng pamilya Marcos kay dating senador Ninoy Aquino.

“Pumalag nga yung buong bayan noong pinatay ng pamilya nila si Benigno Aquino Jr.,” giit ni Duterte.

“Papalagan ko rin yung ginagawa nila sa akin,” saad pa niya.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 25, sinabi ni Manalo na wala umanong karapatan ang mga Duterte para gamitin sa kanilang "narrative" ang pangalan ni Ninoy Aquino.

"Objection po madam VP - walang karapatang gamitin ng mga Duterte sa narrative nila si Ninoy Aquino pagkatapos nang ginawa ninyong pagyurak sa mga simbolo ng Edsa People Power Revolution noong kayo ang nasa kapangyarihan!" aniya.

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa netizens.

"agree! wag gamitin si Ninoy... naghahanap kakampi???"

"Madam- pamilya ninyo ang pumayag na ilibing ang Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nakalimutan mo na? Kapal."

"Dami ng nadamay ah...kawawa Pinoy Dami problem dapat harapin.may mga kababayan p tayo Hindi pa nkk ahon s sunod sunod n bagyo..."

"Ugh! Grabe talaga mindset ng family ito (and their supporters)."

Matatandaang si Ninoy ay pinakamatinding kritiko ng rehimen ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Isa si Ninoy sa mga unang inaresto matapos ang deklarasyon ng batas militar noong 1972.

Noong Agosto 21, 1983 nang paslangin si Ninoy sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport), kung saan ito ang nagpasiklab ng EDSA People Power Revolution at nagpatalsik sa mga Marcos sa Malacañang.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ang hustisya sa nabanggit na pamamaslang.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa pagbuwelta sa kaniya ni PBBM: ‘Papalagan ko rin ginagawa nila sa’kin!’