November 26, 2024

Home BALITA

'Demure' itinanghal na Word of The Year ngayong 2024

'Demure' itinanghal na Word of The Year ngayong 2024
Photo courtesy: Screenshots from Jools Lebron (TikTok)

"Demure" ang salitang tumatak sa taong 2024, ayon sa desisyon ng "Dictionary.com," dahil sa dami ng mga gumamit nito sa iba't ibang social media platforms.

Naging sikat ang nabanggit na salita, lalo na sa "Very Demure, Very Mindful" dahil sa social media personality na si Jools Lebron, na ginamit niya sa kaniyang TikTok videos.

Nasa 54.5M views na nga ang kauna-unahan niyang video kung saan niya ginamit ang salitang "demure," "modest", at "respectful" kapag nasa workplace, na naka-pinned post sa kaniyang TikTok account. 

"The Word of the Year isn't just about popular usage; it reveals the stories we tell about ourselves and how we've changed over the year. And for these reasons, Dictionary.com's 2024 Word of the Year is 'demure,'" mababasa sa pahayag.

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong

"Though the term demure has traditionally been used to describe those who are reserved, quiet, or modest, a new usage has spread through social media — one used to describe refined and sophisticated appearance or behavior in various contexts," pahayag pa.